Advertisers
Nagkasundo ang Pilipinas at China na paigtingin pa ang maritime communication mechanism sa West Philippine Sea, kabilang dito ang pinalakas na koordinasyon sa pagitan ng dalawang foreign ministries at coast guard ng dalawang bansa.
Sumang-ayon din ang Manila at Beijing na mag initiate ng pag-uusap sa posibleng academic exchanges sa marine scientific research sa pagitan ng mga Filipino and Chinese scientists.
Kamakalawa, January 17 nagpulong ang Pilipinas at China sa 8th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea na ginanap sa Shanghai.
Nagkaroon ng prangka at produktibong talakayan ang dalawang bansa para maging mahinahon ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Kapwa nagkasundo ang Pilipinas at China na lutasin ang isyu sa mapayapang paraan.
Ang pulong ay kasunod sa naging kasunduan nina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at President Xi JInping sa San Francisco, California nuong November 2023 para maiwasan ang tensiyon sa West Phil. Sea, sinundan ito ng pag-uusap sa pamamagitan ng telepono nina Foreign Affairs Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi nuong December 2023.
Kapwa naman nagprisinta ang dalawang bansa ng kanilang posisyon sa Ayungin Shoal at siniguro ang kanilang mutual commitment para maiwasan ang tensiyon.
Tila isang pagkambiyo ito ng administrasyon Marcos Jr. sa naunang “hard stance” nito sa pinag- aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) kung saan uminit ang isyu nang magsamang magpatrulya ang puwersa ng Pilipinas at Estados Unidos sa parte ng pinagtatalunang lugar nitong nagdaang buwan ng Oktubre at November.
Para sa inyong abang lingkod, welcome development ito dahil nagkaroon ng inisyatiba ang Tsina at Pilipinas na resolbahin ang territorial conflict sa mapayapang kaparaanan.
All’s well that ends well ika nga.
Totoo nga bang isa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpasimuno para sa isang mapayapang dayalogong ito sa pagitan ng Pilipinas at TSINA?
Iba talaga si Tatay Digong!
Pagnangusap at umaksyon, kitang kita ang impact at impluwensiya sa mga kausap.
Tough guy talaga at di lelembut- lembot!
San kà pa?
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com