Advertisers

Advertisers

People’s Initiative para amyendahan ang konstitusyon, tinutulan nina dating House Speaker Alvarez at Davao City Rep. Duterte

0 10

Advertisers

Mariing tinutulan ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez ang planong pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative.

May hinala si Alvarez na ang nasa likod ng People’s Initiative ay mga politiko na nais umanong manatili sa kapangyarihan at kanya ring pinuna ang napaulat na may kapalit na bayad ang pagpirma rito.

Si Alvarez ay kilalang tagasuporta ng pagbabago sa Saligang Batas at paglipat sa Federal Form of Government.



Ipinaliwanag ni Alvarez na kaya siya nagbago ngayon ng paninindigan ay dahil hindi aniya maintindihan ang direksyong nais tahakin ng gobyerno ngayon bukod sa hindi rin malinaw ang ginagawa ng administrasyon na makabubuti at mararamdaman ng karaniwang mamamayan.

Diin ni Alvarez, punto ng kongresista, iba ito sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan malinaw na nakalatag ang mga babaguhin at may draft ng konstitusyon na maaaring silipin ng kahit sino dahil wala umanong itinatago at may binuo ring komisyon.

Samantala mariin ring kinontra ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang anumang hakbang ng ilang mambabatas para sa ‘People’s Initiative’ na para sa Charter Change.

Giit ni Duterte, ang nabanggit na People’s Initiative ay hindi tunay na boses ng publiko kundi boses lamang umano ng iilan na nais manatili sa kapangyarihan.

Bunsod nito ay pinayuhan ni Congressman Duterte ang mga Dabawenyos, lalo na ang kanyang mga ka-distrito na huwag ipagbili ang kanilang kaluluwa sa halagang ?100 o ?10,000 kapalit ng pagpirma sa People’s Initiative na para sa ChaCha.



Tiniyak din ni Duterte na hindi sya luluhod para mabigyan ng proyekto kapalit ng pagsuporta sa hangaring baguhin ang Saligang Batas.

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com