Advertisers

Advertisers

Sen. Jinggoy absuelto sa ‘Plunder’, iaapela ang sa ‘Bribery’

0 11

Advertisers

NAPAWALANG-SALA si Senador Jinggoy Estrada sa kasong ‘Plunder’ kaso convicted siya sa ‘direct and indirect bribery’ na may parusang pagkakulong, kaugnay sa ‘pork barrel fund scam’ higit 10 years na ang nakararaan.

Si Estrada ay kinasuhan ng plunder dahil umano’y pagbulsa sa P183 million sa ‘priority development assistance funds’, na umano’y pinadaloy niya sa pekeng non-government organizations ng manlolokong negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Sa panayam, sinabi ni Estrada na siya’y “happy and elated” sa pagpapawalang-sala sa kanya sa main charge ng plunder.



“I feel vindicated,” pahayag ni Estrada, sinabing ang charges laban sa kanya ay “politically motivated”, gawa ng mga nakaraang administrasyon.

Ang plunder case laban sa kanya ay nangyari sa administrasyon ni late PNoy.

Sinabi ni Estrada, anak ni ex-President Erap na na-convict at nakulong din sa Plunder during Arroyo administration, ang pagka-convict niya sa bribery ay iaapela niya, magsasampa ng ‘motion for reconsideration’.

Hoping mapawalang-sala rin siya sa kanyang apela or else makukulong at maba-ban siya sa public service.

Si Estrada ay kasama nina Senador Bong Revilla, Jr. at Juan ex-Sen. Ponce Enrile na nakasuhan ng Plunder during late PNoy administration.



Si Revilla ay napawalang-sala Disyembre 2018, under Rody Duterte administration, pero ipinasosoli sa kanya sa National Treasury ang P124 million. Naisoli na kaya?

Si Enrile, tulad ni Estrada, ay nagawang makapagpiyansa.

Idinahilan ni Enrile ang kanyang edad na over 90 anyos. Pero sa edad niyang 99 taon ngayon ay nakapagsisilbi parin siyang Legal Chief ni Pangulo Bongbong Marcos, Jr. Hindi pa lumalabas ang desisyon sa kanyang kaso.

Parang nakapa-unfair sa mga ordinaryong mamamayan na nakukulong sa maliit na halagang ninakaw, habang itong mga politiko na nangulimbat ng daan daang milyones na taxpayers money ay nasa laya at patuloy pang nagseserbisyo kuno. Asan rito ang hustisya? Ewan!

***

Hindi maganda ang nangyari sa ‘Battle of the Band” sa dinarayong Ati-Atihan sa Kalibo, Aklan. Nagrambol ang mga participant! Makikita sa viral video ang pagbabatohan ng mga gamit ng banda. Marami ang nasaktan sa insidente. Tsk tsk tsk…

***

Ipagdiriwang naman sa Linggo, bukas, ang Pista ng Sto Nino sa Tondo, Maynila. Isa sa magandang tanawin rito ang “Lakbayaw” (lakbay-sayaw) na dinadaluhan ng iba’t ibang grupo (tribu). Malaki ang premyo nito. Sana walang maganap na rambol tulad ng sa Kalibo. Enjoy lang! Viva Sr. Sto. Nino!!!

***

Biglang nawalan ng gana ang mananaya sa lotto na tangkilikin pa ang mga palaro ng PCSO, matapos mabunyag ang edited photo ng isang winner, kungsaan inimbestigahan ito ng Senado.

Maganda naman ang rason ni PCSO General Manager Mel Robles. Ginagawa raw talaga nila itago o iligaw ang identity ng winner para sa seguridad nito. Baka kasi makidnap o maholdap.

Pero ang gusto nina Senador Raffy Tulfo at Koko Pimentel ay makaharap nila ang winner para matiyak na totoo ngang may winner, hindi mekos mekos lang. Hehehe…