Advertisers

Advertisers

Rhen sexy star na pangarap manalo ng acting award

0 57

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAG-throwback si Rhen Escano tungkol sa pinakamalaking sugal na nagawa niya sa kanyang karera.

Aniya, literally ay dumaan daw siya sa butas ng karayom bago niya makamit ang pinakaaasam niyang stardom.



It took some time rin daw bago siya nakapagbida noon sa pelikula.

“Para sa akin, noong nag-i-start ako. Sobrang haba talaga ng pinagdaanan ko rin. Parang wala talagang nangyayari. Parang binigyan po ako ng pamato na kailangang kapag tinoss ko iyong coin na iyon o kapag tumaya ako rito, it’s either I’ll make it or I’ll break it. So merong binigay na opportunity sa akin na sumugal dahil hindi lang utak ang ginamit ko. Siyempre pinairal ko rin iyong puso ko, iyong kung ano talaga ang nararamdaman ko o kung ano ang gusto kong gawin. Iyong pagsugal na iyon ang part talaga ng pangarap ko na kailangang ito ang mangyari o ito iyong  magawa ko na kung di ka susugal, paano, di ba? Parang lahat naman tayo ganoon. Kung di ka magte-take ng risks, paano ka mapupunta roon sa gusto mong puntahan. Kung matalo man tayo, it’s okay. At least, nag-try ka. Pero mas masakit iyong ipon na wala kang sinugal tapos walang nangyari. Mas okey na mapagod at mag-fail at alam mong triny mo at binigay mo iyong best mo,” saad niya.

Hindi naman ikinaila na naging stepping stone niya ang pagpapa-sexy sa pelikulang “Adan” para makilala siya.

Gayunpaman, wala raw naman siyang regrets sa naging career decision niya noon na magpaka-daring.

“Alam naman natin na di madali iyong gumawa ng pelikulang di talaga ginagawa ng lahat. Kailangan ng certain tapang at lakas talaga ng loob. Para sa akin, isang malaking sugal iyon na kailangan kong ipanalo. Na sana magtuloy-tuloy para di sayang iyong isinugal natin,” bulalas niya.



Nagpapasalamat din daw siya sa Viva dahil sa ngayon ay nabibigyan na siya ng ibang proyekto kung saan naipakikita niya ang versatility niya as an actress and not just as a sex symbol.

Si Rhen ay napansin ang galing ng mga kritiko sa pelikulang “Untrue” kung saan naging nominado siya sa iba’t ibang award giving bodies.

Pinatunayan din niyang keri niyang gumawa ng relationship drama sa seryeng “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.”

Nanindak naman siya bilang title roler sa horror movie na “Marita” na isang hit.

Isa raw sa fervent wish niya ay makagawa ng isang makabuluhang pelikula at manalo ng acting award.

“Ang wish ko po talaga ay manalo ng acting award. Noong ma-nominate po ako sa “Untrue”, sobrang thankful na po ako noon,” aniya.

Si Rhen ang kauna-unahang endorser ng CC6 Online Casino na wagi bilang Most Trusted Casino sa prestihiyosong Gawad Filipino awards noong nakaraang taon.

Ayon sa marketing in charge ng CC6 na si Ms. Jev Frago, natagpuan nila ang mga katangian ng endorser kay Rhen na aligned sa kanilang vision.

Si Rhen ay kasalukuyang napapanood sa toprating Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love.”

Kasama rin siya sa cast ng upcoming TV series na “Lumuhod Ka Sa Lupa.”