Advertisers

Advertisers

City Ordinance No. 9019 para sa death benefits ng residente ng Maynila, nilagdaan ni Mayor Honey

0 31

Advertisers

EPEKTIBO na simula ngayong Lunes, Enero 22, 2024, ang programang ‘Unang Abuloy ng Maynila’ na magkakaloob ng P3,000 abuloy sa pamilya ng mga Manilenyong sinawimpalad na bawian ng buhay.

Ito’y matapos na lagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Ordinance No. 9019, na iniakda ni District 6 councilor Salvador Philip Lacuna, na ang layunin ay matulungan ang mga nagluluksang pamilya ng namatayan.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, pagkakalooban ng Manila City Government ng death benefit assistance ang mga pamilya ng isang bona fide resident ng lungsod o duly registered voter ng Maynila na binawian ng buhay.



Sakali naman umanong ang namatay ay menor de edad, kinakailangang ang mga magulang nito ay residente ng Maynila o rehistradong botante ng lungsod.

Kaugnay nito, inatasan ni Lacuna ang mga barangay, sa pamamagitan ng Manila Barangay Bureau at Liga ng mga Barangay sa pamumuno ni Councilor Lei Lacuna na kaagad na tumulong sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng pumanaw kung ito ay residente o rehistradong botante sa kanilang lugar.



Sinabi naman ni Philip na sa loob ng tatlong taon, ang Civil Registry Office ay nakapagtala ng average n 11,000 Death Certificate applications kada taon at lahat ito ay bonafide residents ng Maynila.

“To express sympathy and gratitude to it’s dearly departed constituents, and considering the escalating costs of burial services nowadays, the City Government of Manila recognizes the need to further support its citizens by providing primary financial assistance as well as emotional support to the bereaved families”, pahayag ng konsehal. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">