Advertisers

Advertisers

F4 ng PBA!

0 22

Advertisers

San Miguel Beer, Ginebra San Miguel, Magnolia at Phoenix ang mga kasali sa semi-finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Beermen vs GinKings at Hotshots kontra Fuel Masters ang mga pairing simula sa Miyerkules. Maglalaban sila sa best-of-five na mga serye.

Pasok lahat ng team ni Ramon Ang ay wala naman ni isang koponan si Manny Pangilinan.



Milagrong nakapasok sa cast ang mga bata ni Coach Jamike Jarin. Malaking dahilan ang mentor at kanilang impor na si Jonathan Williams. Idagdag na rin natin diyan si Jayson Perkins na pinakaconsistent na lokal.

Nguni’t para kay Tata Selo all-RSA yan sa dulo. Magnolia at Ginebra raw maghaharap sa kampeonato.



***

Pumayag na si Onchie de la Cruz na maging espesyal na bisita natin sa OKS sa ika-26 ng Pebrero. Makakapiling natin ang dating PBA player sa lingguhang programa sa radyo at tiyak masarap huntahan natin kasama ang katotong si Lito Cinco ng People;s Tonight.



Matutunghayan sa palatuntunan na itinatahuyod ng Biofresh sa DWBL, YouTube at Facebook Live mula alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon.

Kilalang mautak na guard at enforcer ang ating piling-piling panauhin. Madalas din sa kanya pinapabantayan ang small import ng katunggaling koponan Nagdribol siya noon para sa Tanduay at Presto.

Pero bago ang episode na yan ay tampok sa OKS sa Lunes si Doc Michael Rico Mesina, isang kolektor ng mga item hinggil sa basketball. Marami at malawak ang koleksyon ng nagmamarket ng librong When We Were Champions ni Noel Albano.

***

Bakit kaya natatagalan ang SBP sa pagpangalan ng head coach ng Gilas? Tila batid naman ng lahat na si Tim Cone ang gusto nila.

Marahil may concern sa detalye na pinag-uusapan pa.

Palagay ni Pepeng Kirat ay nag-aaalala si Cone sa epekto nito sa kapakanan ng home team niyang Barangay Ginebra.

Mangyari apat na taong kontrata ito kaya mahirap basta umuoo ng hindi malinaw ang iba’t ibang punto.