Advertisers

Advertisers

Rampa aarangkada na sa Pebrero, inulan ng mga pasabog sa soft opening

0 63

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SOFT opening pa lang ang ang ginanap noong Enero 17 pero busog na busog ka na sa pasabog na performances ng mga featured drag queens at performers sa Rampa, ang pinakabagong drag club sa bansa na matatagpuan sa 40 Eugenio Lopez Drive, Diliman, Quezon City.



Well-attended ang nasabing event na ini-host nina Bamba at Toni Fowder.

Nandoon din ang owners ng club na sina Liza Diño, Ice Seguerra, RS Francisco, Cecille Bravo at Louiagen Cabel.

Ayon sa dating FDCP chair at LGBTQA+ ally na si Liza, ang Rampa ay katuparan na ng malaon na niyang pinapangarap para sa LGBTQA+ community.

“Rampa is a celebration of artistry, diversity, and acceptance,” aniya. “It’s a place na welcome ang lahat para makapag-chill at  makapag-unwind and at the same time, be part of something extraordinary,” aniya. “It’s not just a one-time show. We wanted to create a space where the Divas and other drag performers could consistently share their art and talent, fostering a sense of community and inclusivity beyond the LGBTQIA+ spectrum,” dugtong niya.

Ayon naman sa Frontrow executive na si RS Francisco, natutuwa siya na bilang negosyante ay makapagbigay siya ng trabaho sa mga miyembro ng LGBTQA+ community na naghahanap lang ng tamang venue kung saan maisho-showcase ang kanilang mga talento.



“I am glad that we have venues like this where drag performers can showcase their talents. It’s a venue for them to shine and share their artistry,” ani RS.

Sey naman ni Ice, binusisi raw niya ang production numbers na inihanda nila sa nasabing soft opening na siya ring nagsilbing director ng show.

“Sobrang happy ako because na-meet ko sila and I got to chance to direct them. I got to chance to see  them rehearse, perform and conceptualize their ideas. I’m happy that I got the chance to appreciate their talent,” ani Ice.

Ayon naman sa enterprising businesswoman na si Cecille, nang ilatag sa kanya ang plano ng Rampa ay swak na agad ito sa kanya.

“Naniniwala ako sa vision ng mga partners ko kaya full support ako sa endeavor na ito,” sey niya.

Bukod kina Liza, Ice, RS at Ms. Cecille, mga investors din sa club ang sikat na Divine Divas na kinabibilangan nina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas de Luxe.

Sa nasabing soft opening, pasabog naman ang naging performances ng mga  Drag Queen na sina Bomba Ding, Russia Fox, Kendra, Katana, Poca, Kiari, Sofie De Luxe, Neenja at Gem. Beats by  Kris Loyola.

Dinaluhan din ang okasyon nina  Ogie Diaz, Mama Loi Villarama, RR Herrera, Sephy Francisco, Jopper Ril, Wize Estabillo, DJ Janna Chu Chu,  BILIB (P-pop Group ), Klinton Start at maraming iba pa.

Sumuporta rin ang mga miyembro ng  Frontrow,  Intele Builders & Development Corporations,  PMPC, Team, at SPEEd.

Naianunsyo rin na aarangkada na ang pinakabagong drag club sa bonggang opening nito sa Pebrero 10.