Advertisers
NAKATAKDANG humataw ang isang makabuluhang torneo para sa kapatiran, pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran.
Ayon sa isa sa adviser ng golf for a cause na si Samira Gutoc ,dating miyembro ng ARMM Regional Legislative Assembly ,ang prestihiyosong torneo ay tinaguriang BANGSAMORO OPEN INVITATIONAL TOURNAMENT na papalo sa Pebrero 3,2024 sa Eagle Ridge Golf and Country Club, Nick Faldo Course sa General Trias,Cavite.
“Sports diplomacy is a strategy for peacebuilding through golf among Muslin and Christian business and government executives,we can build the pillars of development”,wika ni Gutoc,tanyag na Filipina Civic leader,journalist at environmentalist at lawyer na produkto ng UP Diliman at Arellano College of Law kasabay ng pasasalamat niya sa tagasuporta ng torneo na Bangsa Moro Business Council,MCCI at Kampilan Golf Club.
“Remember, Southern Philippines’ peace is our national peace and without peace ,there is no investments,” ani pa Gutoc,isa sa itinuturing na winnable Senatoriable sa 2025 national midterm election.
Para sa dagdag impormasyon, maaaring makipag- ugnayan sa #09991680115 at 09150630987.
Sa kasalukuyan ay abalang- abala ang masipag na civic leader sa paglibot sa Kamindanaoan upang i-promote ang mga adbokasiyang humanitarian di lamang sa Mindanao kundi sa Visayas at Luzon na rin.
Sa totoo lang,ang katulad ni Samira Gutoc ang missing link sa Senado ,ang tunay na kinatawan ng mga kapatid na Muslim sa plenaryo ng Mataas na Kapulungan.
Kaya nga sa 2025 isa ang kakorner na ito sa magnanais na maluklok siya sa susunod na August Chamber na kailangan ang kanyang wisdom para sa kababayang Muslim,Christians at iba pang sekta ng lipunan.
Samira Gutoc ..
ABANGAN!!