Advertisers

Advertisers

Abot-langit na kotong!

0 1,138

Advertisers

DAHIL sa ‘di na makayanang lingguhang suhol, lagay, tongpats o intelhencia sa kapulisan at iba pang awtoridad ay mariing kinondena ng mga operator ng tradisyunal na peryahan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng panawagan sa muling pagsusulong ng legalisasyon ng bawal na sugal!

Sinabi ng ilang miyembro ng Perya Industry of the Philippine na halos tatlong doble na ang itinaas ng “weekly” na kinokolekta sa kanila ng mga tinatawag na “kapustahan” (police tong kolektor) ng iba’t ibang operating unit ng PNP.



Ngunit wari’y hindi pa nakuntento sa kinokolektang protection money ang mga “kapustahan” mula sa PNP Headquarter sa Camp Crame, Quezon City ay may bagong pasanin na naman ipinapataw sa kanilang asosasyon ang mga “tong kolektor” pagkat maging yaong mga “patay na butas” o non-operational unit against illegal gambling ay ipinangongolekta naRin ng nagpapakilalang sugo o kolektor ng Office of the PNP Chief .

Iba’t ibang intelhencia kolektor, na ang pinaka-malupit sa mga ito ay isang Richard M. na nagtatakda ng araw ng koleksyon para sa ipinangongolektang PNP officialS mula Crame pababa sa regional, provincial commandS, city at town police chiefS.

Maging mga lokal na opisyales hanggang sa barangay level ay may kanya-kanya naring kolektor at itinatakda narin sa kanilang tara.

Hindi maaaring magtagal ang operasyon ng mga sugalan sa alinmang tradisyunal na peryahan kung hindi ito nakatimbre sa mga lokal na ehekutibo, ayon sa PIPA member na nakiusap na huwag banggitin ang kanilang pangalan.

Kaya naman napilitan nang magbigkis ang mga tradisyunal perya operator para labanan ang mapang-abuso at korap na pulis.



Batay sa pinakahuling tala, sinabi ng mga PIPA member nang dumulog sa SIKRETA na umaabot sa 60 ang pergalan operators sa Batangas, 30 sa Quezon, 60 sa Laguna, 25 sa Cavite at 30 sa lalawigan ng Rizal. Kalimitan sa puesto pijo ay front ng bentahan ng shabu at pugad pa ng prostitution.

Kabilang sa untouchable na puesto pijo gambling den na halos dalawang taon nang ino-operate ng isang alyas Glenda ay sa Brgy. Santiago, sa bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes.

May kapareho ding permanenteng sugalan si alyas Glenda sa Brgy. Pinongtong-olan, sa siyudad ni Lipa City Mayor Eric Africa, sa lalawigan ng Batangas; pergalan con shabuhan sa Brgy. San Jose sa bayan ng Montalban na ino-operate ni alyas Evelyn at Boy Life; Vibes Resto Bar na ino-operate nina Jose at Pearly sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Taytay, parehong sa lalawigan ng Rizal.

May mga puesto pijo ding mahigit sa dalawang taon nang pinatatakbo sa Brgy. Sto. Tomas, Biñan City, Tram Plaza, Target Mall at Golden City, pawang sa siyudad ng Sta Rosa.

Sa kanilang pagsisikap na tuldukan ang pang-aabuso ng mga “kapustahan” lalo na ni alyas Richard na nagpapakilala pang “bagman” ni Cavite Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr. ay dumulog na ang PIPA kina Vice President Sara Duterte, dating PNP Chief ngayon ay Senador Ronald Bato Dela Rosa at mga miyembro ng kongreso para paamyendahan ang mga probisyon sa ilalim ng Comprehensive Anti- Gambling Law at gawing legal na ang operasyon ng iba’t ibang uri ng sugal sa mga peryahan.

Kabilang sa mga ilegal na sugal na hinihiling ng PIPA na gawing legal ay ang sikat na color game, drop ball, beto-beto at mga card at table game na parang hinoholdap ang mga nadadayang lulong sa sugal na mananaya na karamihan ay mga kabataan at estudyante.

Nagbibigay man ng permiso ang mga alkalde at barangay kapitan sa mga perya operator ay Permit to operate Amusement at Rides’ lamang na siyang ginagamit ding prente para mailarga ang mga bawal na sugal.

Paki aksyunan DILG Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Acorda Jr.!

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144