Inagurasyon ng 10 palapag na RAES, pinangunahan ni Mayor Honey

Advertisers
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang inagurasyon ng newly-rehabilitated, ten-storey Rostauro Almario Elementary School (RAES) kung saan 7,000 estudyante ang makikinabang sa mataong lugar ng Tondo.
Sinamahan si Lacuna sa ribbon-cutting ceremony nina Congressman Ernix Dionisio, Jr. (first district), City Engineer Armand Andres, Councilors Irma Alfonso, Bobby Lim, Ian Nieva, Nino dela Cruz at Marjun Isidro, division of city schools superintendent Rita Riddle, school principal Graciano Budoy at dating Mayor Isko Moreno na produkto ng nasabing paaralan at isa rin sa mga bisita.
Ayon kay Lacuna, sa pamamagitan ng rehabilitation na ginawa sa paaralan, ang mga estudyante ng RAES ay makakapag-enjoy na ng makabagong pasilidad at magkakaroon ng mas magandang environment para sa pag-aaral na katulad din ng ginagawa ng mga nasa pribadong paaralan.
Ang tanging hiling lamang ng lady mayor sa mga estudyante, faculty members at iba pang gagamit ng paaralan na iingatan ito upang mapakinabangan pa rin ng susunod na henerasyon.
Ang bagong gusali ng RAES, ayon kay Andres, ay may 227 classrooms na pawang fully-airconditioned, 12 offices, new library, canteen, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball court na may retractable goal convertible sa football field, dalawang roof deck outdoor sport at exercise area, walong elevator units with 24 persons capacity bawat isa at pitong stairs node.
Maliban sa RAES, ang lungsod ay isinailalim din sa rehabilition ang Dr. Alejandro Albert Elementary School at Manila Science High School. (ANDI GARCIA)