Advertisers

Advertisers

YULO KING RANCH EXEMPTED SA CARP?

0 1,564

Advertisers

Nakasaad sa REPUBLIC ACT 6657 partikular ang PRESIDENTIAL DECREE NO. 27 .., ang limitasyon sa pagmamay-ari ng lupa sa ating bansa ay hindi hihigit sa 7-ektarya ng lupa; subalit ang YULO KING RANCH ay halos 40,000 ektarya ng lupain sa CORON at BUSUANGA sa PALAWAN ang kanilang inaangkin na salungat sa itinatakda ng batas o sadyang exempted ba ang naturang RANTSO sa itinatakda ng batas lalo na ang COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP)?

Ang CARP ay nasasakop nito ang lahat ng pampubliko at pribadong lupaing AGRICULTURAL anuman ang mga pananim o mga nakatanim at kabilang din ang mga public domain na lupaing angkop sa agrikultura ay maipamahagi ang mga lupa hindi lamang sa mga magsasaka kundi pati na rin sa Iba pang mahihirap na walang lupa.

Gayunman, ang mga magsasaka sa CORON at BUSUANGA ay tila wala nang kapag-asahan sa mahigit 30-taon nilang pakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa binubungkal nilang lupa.., na maging ang nilalaman ng RA 6657 ay mistulang hindi kinikilala ng YKR.



Ayon sa isang CAREER OFFICIAL ng DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) ay ganap nang ibinasura raw ang hiling ng mga magsasaka na ipamahagi sa kanila ang 8,000-ektaryang bahagi ng YKR.., at sa halip ay 2,000 ektarya ng nasabing hacienda ang handang ipaubaya ng DENR.

Susmiyo e inuuto lang yata ang mga pobreng magsasaka dahil ang tinutukoy na 2,000 ektaryang lupain ay matagal na palang iginawad sa isang dambuhalang kumpanyang NEW SAN JOSE BUILDERS INC.., na itinaguyod at pinaniniwalaang pagmamay-ari pa rin ni SECRETARY JERRY ACUZAR ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD).

Mga ka-ARYA.., noong year 1975 nang lagdaan ni YUMAONG PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR ang Proclamation No. 1387 na nagdeklara sa YKR bilang isang pastulan.., at nang mapatalsik sa MALACAÑANG PALACE ang tinaguriang DICTATOR ay kabilang ang YKR sa mga na-SEQUESTER ng PRESIDENTIAL COMMISSION ON GOOD GOVERNMENT (PCGG) sa paniwalang isa ang naturang hacienda sa mga MARCOS ILL-GOTTEN WEALTH.

Ang YKR ay isinailalim sa pangangasiwa ng BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY (BAI) at sa nasabing panahon ay ginawang BREEDING AND EXPERIMENTAL STATION ang naturang hacienda.

Noong year 2008 ay nilagdaan ni dating PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ang PRESIDENTIAL PROCLAMATION 2057, na nagbibigay pahintulot sa PHILIPPINE FOREST CORP.. (PHILFOREST) na pangasiwaan ang lupang una nang idineklara ni MARCOS SR. bilang pastulan.., na ang PCGG at BAI ay ginawa na lamang dekorasyon dahil inatasan ni ARROYO ang BAI na ibigay sa PHILFOREST ang lahat ng mga dokumento kasama ang mga titulo ng lupa, kagamitan at iba pang meron ang YKR.



Noong year 2019 ay umeksena naman ang SUPREME COURT na tinanggal sa listahan ng mga sequestered properties ang YKR na noon pala’y target nang ibenta sa kumpanya ni ACUZAR.

Sa administrasyon noon ng yumaong PRESIDENT NOYNOY AQUINO ay biglang nag-eskandalo si dating PHILFOREST PRESIDENT JUN LOZADA dahil naigawad na sa NEW SAN JOSE BUILDERS INC. ang 2,000 ektaryang lupa sa loob ng YKR.

Sa kasaysayan ng PHILIPPINE GOVERNMENT ay si YUMAONG PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL ang tinaguriang FATHER OF AGRARIAN REFORM dahil sa kaniyang administrasyon taong August 8, 1963 ay naisabatas ang AGRICULTURAL LAND AND REFORM CODE o ang RA No. 3844.., na ang RA No. 6657 ay nilagdaan naman noon ni yumaong PRESIDENT CORAZON AQUINO at ganap na nagkabisa noong June 15, 1988 para sa implementasyon ng CARP.., yun nga lang ai tila SELECTED lang ang mga lupaing naipamamahagi sa mga benipisaryong magsasaka.

Dapat pagtuunan ito ng LAWMAKERS sa isyu hinggil sa LIMITASYON SA PAGMAMAY-ARI NG LUPA rito sa ating bansa at walang exemptions sa mga maiimpluwensiyang personalidad para maipamahagi ang mga lupa sa mga magsasaka na nagsasakatuparan ng FOOD SECURITY PROGRAMS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.