Advertisers

Advertisers

BONG GO: PAMIMIGAY NG AYUDA ‘WAG LOKOHIN, ‘WAG PULITIKAHIN

0 5

Advertisers

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulang ahensiya at lokal na gobyerno na gawing walang kinikilingan, mahusay at walang pulitika ang pamamahagi ng tulong mula sa mga programa ng gobyerno na ang layon ay iangat ang mahihirap at ang mga nasa krisis, partikular ngayong dumarami ang nagugutom sa bansa.

Ginawa ni Go ang pahayag sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa umano’y iregularidad sa pamamahagi ng tulong pinansyal.

“Nag-imbestiga na po kami sa Senado. Ako po, ayaw nating haluan ng politika ito,” deklara ni Go, na nagsabing dapat suriin ang pamamahagi ng tulong nang walang impluwensya ng political biases.



“Dapat po ang ayuda, ibigay sa mga mahirap. Kaya nga po, Assistance (to Individuals) in Crisis Situations, mahihirap. Hindi po dapat pakinabangan ng politiko ang para sa mahihirap,” ani Go na tinukoy ang AICS program ng Department of Social Welfare and Development.

Idiniin ni Go na dapat ay nakararating sa nabalido at kuwalipikadong benepisyaryo ang tulong mula sa gobyerno.

Nag-aalala si Go sa mga ulat na ang mga tulong para mahihirap ay nababawasan, isang gawi na sumisira sa integridad ng mga programang-tulong ng pamahalaan.

“At ayaw nating merong niloloko, ‘yung sinasabing binabawasan… Eh, minsan kontrolado po ng LGU (local government units) ‘yung kanilang MSWDO (Municipal Social Welfare and Development Office). So dapat walang selective dito. Walang pabor-pabor,” sabi ni Go.

Aniya, pera mula sa gobyerno ang ipinamamahaging tulong kaya dapat lang na ibalik sa mga mahirap nating kababayan.



“Kaya iniimbestigahan natin, gusto natin malaman ang totoo para masiguro na hindi nagagamit sa pulitika o korapsyon ang mga programa para sa mahihirap,” anang senador.

Sa public hearing ng Senate Committee on Public Order noong Enero 23, ipinaalala ni Go sa DSWD na tiyakin ang wastong validation at pagpapatupad ng mga pamamahagi ng tulong upang makamit ang mandato nitong iangat ang buhay ng mga mahihirap.

Nalaman ng senador na ang mga benepisyaryo ay nakakakuha lamang ng porsyento sa inilaang halaga ng tulong pang-edukasyon mula sa DSWD.

Tinumbok din ni Go ang nakaaalarmang ulat na may mga indibidwal na nagsasamantala sa paggamit ng maraming IDs,

“‘Yung multiple IDs nakita natin, isang mukha, iba-ibang pangalan… dapat po tingnan natin itong mabuti itong scheme na ito ng panloloko,” ani Go.

“Dapat po may managot. Hindi lang managot, dapat ikulong kung meron pong nanloloko sa mga kababayan natin,” idiniin niya.

Ang panawagang ito ni Go ay kasunod ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) ukol sa nakababahalang pagtaas ng insidente ng gutom sa bansa.