Advertisers

Advertisers

PD 1602 nilapastangan sa Bulacan

0 32

Advertisers

MARAPAT lang na imbestigahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Benajamin Acorda Jr., ang direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 as amended by RA 9287 dahil mismong mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala dito.

Saan mang sulok sa lalawigan ng Bulacan lantaran ang presensya sa inu-umagang sugal tulad ng SAKLA, JUETENG maging ang mga sugal sa loob ng perya (carnaval) tulad ng COLOR GAMES, BARAHA at DROP BALL na inaabot ng pamorningan ang operasyon nito na matatagpuan particular sa mismong Mc Arthur Highway Barangay Cut-Cot Pulilan, Barangay Bulac Sta Maria at sa mismong Poblacion ng Bustos na ilang hakbang lamang ang layo sa Municipal Police Station nasa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayosan na umiiral sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Ang masaklap mismong ang mga matataas na opisyal ng PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa pagbibigay proteksyon sa gambling operation.



Nangunguna sa listahan ng mga illegal gambling ay itong jueteng, sakla, EZ2, lotteng at mga peryahan na may sugal.

Lahat ng yan ay alam ng naka-upong Bulacan Provincial Director PCol Relly Arnedo, Pulilan Acting Chief of Police PLtCol Jerome Jay S. Ragonton, Bustos Acting Chief of Police PMajor Leopoldo L. Estorque at Sta Maria Chief of Police PLtCol Christian B. Alucod maging ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) RFU 3 Acting Regional Chief PLtCol Sancho DJ Mercado.

Mistulang walang alam si PRO3 Regional Director PBGen Jose Hidalgo Jr. laban sa mga organisadong sindikato ng iligal na sugal sa kanyang AoR.

Kahit saang sulok kayo dumako ay lantaran ang presensiya ng mga iligal na sugal sa lalawigan ng mga makata.

Ayon sa gabutil na impormasyon na nakalap natin mga matataas ang ranggo sa PNP ang idinadawit ng mga nabanggit na gambling operator na sina alyas Evelyn, Angel, Freddie Tainga, Jonel at Konsehal Cruz kaugnay sa milyones na ‘protection money’ bilang ‘payola’ at ‘good will’ dahil sa abala sa pangongolekta ng ‘goodwill” at lingguhan ang mga nagpapakilalang mga pulis gaya ni alyas DELFIN PARAK, RANIEL, GEMAR, PATRICK at MERCADO kung saan gamit ng mga ito ang tanggapan ng Camp Olivas at Camp Alejo Santos.



Tila nagiging kontrabida din ang mga nabanggit na PNP officials sa ibinabang direktiba ni Acorda na ‘One Strike’ at ‘No Take’ Policy dahil sa naging inutil ang mga nabanggit na PNP opisyal.

Sa totoo lang, kapag mahigpit na paninindigan ni Acorda ang paglilinis sa kanyang hanay batay na rin sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” ay sigurado ako na posibleng sumabit dito ang ilang matataas na opisyal ng PNP dahil sa di masugpong operasyon ng sugal.

Subaybayan natin!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com