Advertisers

Advertisers

P7.1m droga nasabat sa Caloocan City

0 22

Advertisers

Umabot sa P7,140,000 halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Caloocan City Police sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Sabado.

Nahuli ang dalawang suspek na sina Raquel Macmod Ducan, taga-Barangay 175, Camarin, Caloocan City; at Ali Abdulbasit Abdullatip, taga-Upper Bicutan, J.P Rizal, Taguig City.

Sa ulat, sanib-pwersang nagsagawa ng anti-drug operation ang PDEA at pulisya sa bahaging sakop ng Zapote Road, kanto ng Ilang-ilang Street, Brgy. 177, Caloocan.



Narekober sa mga suspek ang 10 transparent plastic bag na naglaman ng shabu na may timbang na 1,000 grams at 5 heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 50 grams na may kabuan halaga na P 7,140,000, iba’t-ibang ID card, 1 cellphone at isang puting Toyota Vios.

Haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.(Mark Obleada/Beth Samson)