Advertisers

Advertisers

MARAMING PULIS MAG-IIYAKAN KAY GEN. DANAO?

0 197

Advertisers

Sigurado, ang mga pulis na hindi magpapakatino sa serbisyo ay marami sa mga ito ang mag-iiyakan at makakatikim ng kamao ni newly appointed NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE CHIEF, BRIGADIER GENERAL VICENTE DANAO JR.., dahil kilala ito sa kaniyang pagiging istrikto at disciplinarian leader.

Si BGEN. DANAO JR na produkto ng PHILIPPINE MILITARY ACADEMY (PMA) SAMBISIG CLASS ’91 ay isang Ilokano na ipinanganak sa NUEVA ECIJA.., na noong 1996 ay nadestino ito sa DAVAO CITY bilang HEPE ng BAGUIO CITY POLICE STATION, na pangunahing adbokasiya nito ay ang pagsugpo sa illegal drugs.

Ang naturang opisyal ang nagsilbing escort ni noo’y DAVAO CITY MAYOR at ngayo’y PHILIPPINE PRESIDENT RODRIGO DUTERTE. Mula CITY HALL papuntang airport ay si DANAO ang in-charge sa seguridad ni PRES. DUTERTE.., kaya nang maging PRESIDENT si DUTERTE ay napunta na rin sa CAMP CRAME etong si DANAO noong 2018 bilang HEPE ng COUNTER INTELLIGENCE OF THE DIRECTORATE FOR INTELLIGENCE at nalipat uli bilang CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) DEPUTY CHIEF.., hanggang sa nakamit din nito ang inambisyon niyang maging HEPE ng MANILA POLICE DISTRICT bago nalipat muli ngayon bilang kahalili ni ngayo’y PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF GEN. DEBOLD SINAS.



Isa sa mga pananaw nitong si DANAO ay.., “kung ang lugar ay laging may kaguluhan ay maaring tamad at hindi nagpapatrolya ang mga pulis sa naturang mga lugar o kaya ay maaaring yung mga pulis ang pasimuno”. Aniya, sa mga ganitong sistema ay dapat mabago mismo ang maling nakagawian ng mga pulis.

Bulong nga sa ARYA ng ilang mga pulis na nakakakilala sa pagiging istrikto ni DANAO ay siguradong marami ang mag-iiyakang pulis lalo na iyong nananatiling tiwali hanggang ngayon na nahirati sa “planted evidence” ay kamao nitong naturang opisyal ang dadapo sa katawan ng mga ayaw magpakatino sa serbisyo!

SIR DANAO.., ang ARYA at ang NCRPO PRESS ASSOCIATION sa liderato ni LEA BOTONES ay mag-aantabay sa mga malalaking achievement ninyo laban sa lahat ng ilegalidad at sa pagpapatino ng kapulisan sa METRO MANILA!

***

TRICYCLE OPERATION SA TAYTAY, RIZAL HIGH TECH!



DIGITAL na ang panahon natin ngayon.., kaya naman marami na ang mga online service tulad sa bayan ng TAYTAY, RIZAL ay HIGH TECH na ang TRICYCLE OPERATIONS dahil sa bagong apps naTODAPH ay maiiwasan na ngayon ang matagal na pag-aabang ng pasahero sa masasakyang tricycle at sa mga mapagsamantalang singil at kontratahan ng mga tricycle driver.

Magandang sistema ito dahil ang pasahero bago sumakay o ang tricycle driver bago makakuha ng pasahero ay malalaman na kung sino ang pasahero o driver na higit ang seguridad dito ng bawat isa dahil ang mga komunikasyon ay recorded.., kaya mag-aatubili ang sinuman na gumawa ng anumang kabulastugan.

Sabi nga ni TAYTAY VICE MAYOR MITCH BERMUNDO ay malaking tulong ito sa seguridad ng mga pasahero lalo na ang mga kababaehan na gabi na kung magsiuwi dahil may mga trabaho ay malalayo sa mga masasamang loob dahil ang mga masasakyan nilang tricycle ay may record na sa kani-kanilang mga celfone.

Sa simpleng seremonya ng lagdaan sa MEMORANDUM OF AGREEMENT sa pagitan ng TAYTAY MUNICIPAL GOVERNMENT na pinamumunuan ni MAYOR JORIC GACULA at ng toda.ph sa pangunguna ni toda.ph PRESIDENT/CEO LEO ANGELES ay magiging malaking katulungan ito sa mga tricycle driver na makabawi mula sa matagal na pagkakatengga dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Aniya, hindi umano magagawa ng local government na irequire ang mga tricycle driver na mapamiyembro sa toda.ph dahil bawal ito sa batas..,, kundi, ang mga tricycle na miyembro na ng toda.ph ang makakapanghikayat sa kanilang mga kasamahan para magpamember lalo na kung.higit na malaki ang kita sa pamamasada.

Ang toda.ph, bukod sa mamamasahero ay maaari pang maging delivery food service, puwedeng maging tagapamalengke o maging padala service sa buong lugar na sakop ng kanilang munisipalidad.

Ang naturang apps na maida-download via Google Play para sa tricycle services ay ang kauna-unahang apps sytem sa buong bansa na inaasahang sa mga susunod na panahon ay lalawak pa ang magiging serbisyo ng toda.ph.

“Ang Taytay ay kinilalang Tiangge Capital dahil sa kalidad ng aming mga produkto ay maaaring ang mga customer ay magpaserbis sa toda.ph para mamili ng mga tela o anumang produkto at ihatid sa pamamahay ng customer. Hindi na kailangan pang lumabas ng bahay ang mga customer lalo na at nariyan pa ang covid,” pahayag ni MAYOR GACULA.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.