Advertisers
KINANSELA ng Phi-lippine Football League (PFL) kahapon ang final match of the season sa pagitan ng Mendiola at Stallion Laguna dahil sa pagsalakay ng bagyong Ulysses.
“Today’s match between Mendiola FC and Stallion Laguna FC is canceled due to Typhoon Ulysses,” nakasaad sa pahayag ng liga, na inilabas bago ang nakatakdang kickoff.
Dapat magsisimula ang game ng 4:30 pm, inanunsyo ng PFL Martes ng gabi na muling itinakda sa 9 am kickoffs para lahat ng naiwan sa bubble ay makauwi ng maaga.
Ang laban ay mayroon ilang implikasyon tungkol sa AFC Cup.
Kung sino sa pagitan ng Mendiola at Stallion Laguna ang magtapos fourth sa lamesa ay maging standby team sa nasabing continental tournament kapag Kaya Iloilo, ang maglalaro sa qualifiers ng AFC Champions League simula sa January, pasok sa Champions League group stage.
Kailangan ng Stallion Laguna na talunin ang Mendiola ng three goals o higit pa para makuha ang fourth spot.
Kung hindi man, Mendiola na kasalukuyang nasa fourth place, mapupunta ang spot.
“The league will make an update with regards to the status of the match in due time. For now, we wish for each everyone’s safety,” ayon sa pahayag ng PFL.