Advertisers

Advertisers

Geoff Eigenmann at Ynna Asistio, bibida sa ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ ng Net25

0 292

Advertisers

Ni Nonie V. Nicasio

ANG bagong tambalan nina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann ang tampok sa unang romantic drama series ng Net25 na pinamagatang Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Ang NET25 ang itinuturing na Philippines’ first digital TV station under Eagle Broadcasting Corporation (EBC).



Ang istorya nito ay umiikot kina Reina (Ynna) at Romer (Geoff). Si Romer ay isang seaman na bumalik sa Pilipinas para magbakasyon at pansamantalang magtrabaho bilang bellboy sa isang hotel.

Si Reina naman ang anak ng may ari ng hotel kung saan nagtatrabaho si Romer.

Kahit may naging hadlang sa kanilang pagmamahalan, sina Romer at Reina ay nag-reunite upang palayain ang kanilang mga sarili sa nakalipas at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Aminado si Ynna na hindi siya makapaniwala na finally ay dumating na ang biggest break niya at bida na siya ngayon.

“Noong una, hindi talaga ako makapaniwala. Unti-unti kong na-realize na lead star na ako habang naka-lock in na kami. It was really my dream. Pinagdasal ko po talaga siya, ganoon din ang mom ko.”



Sa bonggang presscon nito last Nov. 10 na ginanap sa INC Museum na katabi ng EBC Studios, pinuri ni Ynna ang kanyang leading man na si si Geoff.

“Sobrang masaya po ako rito, napakagaang katrabaho ni Geoff. As in, hindi ako nahirapan,” panimula ng aktres.

Aminado si Ynna na noong simula ay nag-alala siya dahil hindi naman daw sila close ng aktor.

“Hindi naman kasi kami close ni Geoff. So paano iyong pagwo-work namin sa isa’t isa? Pero ang sarap lang ng feeling na alam ninyo ‘yung wala po kaming wall? Kumbaga, kinilala namin ang isa’t isa. And naging madali na sa amin ang magtrabaho, kasi naging komportable po ako sa kanya, and at the same time, naging komportable siya sa akin.”

Dagdag pa ng anak ni Nadia Montenegro, “Kaya siguro nagawa rin namin nang maayos iyong trabaho namin, kasi sobrang professional po ‘yung partner ko.

“Kaya po nang natapos na ang aming taping-kasi lock in taping po kami, talagang na-miss naming lahat ang isa’t isa.”

Kabilang sa casts ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw sina Elizabeth Oropesa, Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.

Magsisimulang mapanood sa November 28 ang Ang Daigdig Ko’y Ikaw at tuwing Saturday, 8pm, sa Net25.

Ito’y sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy, Jr., isinulat ni Bing Castro-Villanueva, at mula sa supervision ng director/writer na si Nestor Malgapo, Jr.