Advertisers
Ni Jovi Lloza
MUKHA ngang ikakarir ni Bea Alonzo ang nakakahiligan nito ngayong pandemya.
Open book naman sa netizens na ayaw pang mag-work si Bea at katunayan na nga ang pagtanggi nito sa ilang projects.
Takot kasi ang aktres na ipagsapalaran ang kanyang health para sa work kaya nagdesisyon ito na no-project muna habang may Covid pa sa bansa.
Isa sa kinahihiligan ni Bea ay ang paggugupit sa tulong ng kanyang hairstylist at fast learner naman ang aktres kaya madali nito natutunan ang hair cutting.
Isa sa naka-experience ng libreng gupit ay ang kaibigan ni Bea na si Enchong Dee.
Hindi nagdalawang isip ang aktor na magpagupit sa kaibigang aktres.
Bilib naman ito kay Bea in terms of gupitan ng buhok sa tulong ng kanyang hairstylist.
Kaya habang nakasalang si Enchong ay nagbibiruan pa ang mag-bff para sa gupitan ng buhok ng aktor.
Buwan na din nga inabot ang buhok ni Enchong kaya wala na ito sa ayos.
Hindi makapaniwala si Enchong na nairaos ni Bea ang paggupit sa kanyang buhok na itinuro ng hairsylist.
***
CARLO MALAKI ANG PINAGBAGO NANG MAGING ERPAT
NANG isilang ang panganay nina Carlo Aquino at Trina Candaza ay nakita na raw ng aktor ang direksyon para sa anak, ang magtrabaho para sa kanilang pamilya.
Kung dati ay bugnutin at mainipin, malaki na nga raw ang pagbabago kay Carlo simula nang maging ama ito.
Naging inspirasyon daw nito ang 2 months old baby nila ni Trina para mas lalo pa itong sipagin sa pagwo-work.
Ganado nga raw sa trabaho ang aktor sa kabila na hindi kumpleto ang tulog dahil magkatuwang sila ni Trina sa pag-aalaga ng kanilang anak.
Well, well, well… ‘Yun na!