Advertisers

Advertisers

MGA ILIGALISTA PA ANG NAGREKLAMO …ONLY IN THE PHILIPPINES

0 41

Advertisers

Grabe na ito!

Ginawang katawa- tawa ang Senado nitong nagdaang Martes kung saan humarap sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang mga promotor ng iligal na sugal sa mga Rehiyon.

Bitbit ang kapal ng mukha este kapal pala umano ng ebidensiya,humarap ang ilang perya operator para kondenahin ang umano’y pangongotong sa kanila ng mga operatiba ng PNP Regional Police Command.



Wow ha,mga pulis pa talaga ang isinumbong kay Sen.Bato Dela Rosa na Chairman ng nasabing Senate committee.

Nagmukhang kenkoy tuloy ang nangyaring pagdinig dahil masakit talaga sa tenga at nakakatawa ang mga akusasyon ng mga illegal gambling operators laban sa ating kapulisan.

Ang napahiya tuloy dito sa tingin natin ay ang mismong chairman ng Senate Committee na si Senator Bato na isang former police general at naging hepe ng PNP.

In the first place,walang bearing o tibay ang nangyaring pagdinig dahil walang basis ang reklamong pangongotong dahil illegal perse ang mga complainants na aminadong mga gambling operators.

Di rin totoong walang ligo at maglulupa ang mga katulad ng asawa ni Boy Life na tumatayong lider ng isang grupo ng mga perya na isa ring bantog na perya operator.



Marami kasi sa hanay ng mga damuhong ito ay mga secret millionaires na kumikita ng milyones pero di man lamang nagbabayad ng tamang buwisit sa pamahalaan.

Mga business permits lamang ang kinukuha sa mga LGUs samantalang di naman balido ang permit dahil iligal na sugal nga ang inilalatag na negosyo na may daya pa.

Sa tinagal- tagal ng ginawang pagdinig,di naman napatunayang sa kapulisan nga napunta ang kuwartang umano’y kinotong.

Mga pulyetos ng papel at umano’y listahan ng kinokolektang umano’y payola,anong kuwentang mga ebidensiya ito?

Di maiturong direkta kung kaninong opisyal o Herodes ibinigay at walang pruwebang may kinokolekta nga.

Kapag itinanggi ng kapulisan,mistulang tae na lamang ang mga umano’y ebidensiya na kahit sa barangay ay di tatanggapin at di tatayong may silbi.

Hearsay at baseless accusations.

In short nasayang lang ang oras,resources at laway ng mga senador sa diskusyon sa isyu.

In short basura lahat ang tinalakay na reklamo.

Naperwisyo pa ang mga perya stakeholders na naghahanap- buhay ng tahimik.

Buwisit talaga ‘yang asawa ni Boy Life.

Salot sa industriya ng pagpe- perya.

Kung sino pa ang mga tolongges at mga kupal,sila pa ang malalakas ang loob na sumugod sa Senado para magreklamo!

Kita naman sa hilatsa ng pagmumukha,eskwalado at tadtad ng kalyo.

Tanda ng tagal sa pagnenegosyo at panggogoyo sa opisyo ng iligal na sugal.

Taga sa panahon ika nga sa panggugulang.

Hay buhay,pati si Senator Bato gustong ibudol at paikutin!

Punyetang grupo yan! Nangdamay pa ng mga maliliit at tunay na perya operator na nagbibigay ng kasiyahan sa kapistahan,hinahaluan kasi ng sugal.

Bwisit kayo Boy Life alias Boy Kupal!

Salot kayong mag-asawa!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com