Advertisers

Advertisers

Black 2 Black!

0 23

Advertisers

Aaron Black sa PBA at Anthony Black sa NBA.

Hindi magkapamilya pero magkaapilyido.

Si Aaron isa sa bida ng Meralco. Produkto ng Ateneo Blue Eagles ang anak ni Norman na dating coach ng Bolts. 27 años na ang 6 feet na shooting guard.



Ito naman si Anthony ay rookie ng Orlando. Sa kolehiyo ay sa Arksnsas Razorbacks naglaro ang 20 na taong 6’7 cager. Limitado mga minuto ng baguhan sa Magic.

Ang Fil-Am hindi naging star sa buong college career di tulad ng purong Kano na starter agad sa unang taon.

Kaya nang umakyat sa pro ranks si Anthony ay 6th over-all samantalang si Aaron ay pang-18. lang.

Biglang napakanta si Pepeng Kirat ng…Black is black, I want my back… ng Los Bravos.

***



Ireng si Fred VanVleet ang pinamakaliit na NBA player na may pinakamaraming blocked shot.

Ang 6’0 guard ng Houston ay may naitalang 46 na supalpal ngayon season.

Bihira ang mga guwardiya na may ganyang statistics. Kahanga-hanga nga eka ni Aling Barang,

Miyembro dati ang 2016 undrafted rookie ng kampeon na Toronto Raptors taong 2019. Kakampi niya noon sina Kawhi Leonard, Pascal Siakam at Kyle Lowry. Lahat sila wala na sa tanging prangkisa na base sa Canada.

***

Akala raw ni Tata Selo ay nagpasailalim na si Calvin Abueva para makorek ang pagkamainitin ng kanyang ulo na nauuwi sa basag-ulo. Yung latest episode ng away niya kontra kay Coach Jorge Gallent at asawa ni Mo Tautuaa ay patunay na hindi pa ito nagamot sa sistema niya. Hindi apektib sa Kapampangang produkto ng San Sebastian College.

Mahirap nga tanggalin kung ganito na ang naging gawi niya noon pa nguni’t propersyunal siya kaya kailangan pagsikapang baguhin. Yung pamilya at koponan niya dapat alalayan siya paglabanan ang ganitong hindi magandang ugali.