Advertisers

Advertisers

DAVAO OCC.TIGERS COCOLIFE PINADAPA ANG NOVA QC WARRIORS SA PSL

0 7

Advertisers

DINAIG ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang palabang Novaliches, Quezon City Warriors,81-76 sa pagpapatuloy ng elimination round ng Pilipinas Super Åeague ( PSL) kamakalawa sa Caloocan Gymnasium.

Maagang umatungal ng bangis ang Tigers sa first quarter ,10- 0 blast pasimuno si big man Kelly Nabong pero nagawang humabol ng Warriors na sina June Bauzon at Arnold Casajeros para sa 26-21 first quarter score pabor sa Warriors.

Naglatag ng 24-0 run ang defending champion Davao Occ.Tigers Cocolife na pag-aari ng Bautista clan sa Malita,Davao Occidental at suportado nina Cocolife president / CEO Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Elmore Omelas sa ikalawang yugto upang itala ang halftime score na 49-38 angat ang Tigers.



Naging matatag sa second half ang mga tigreng sina Nabong ,Bonbon Custodio,Mike Cañete,Winston Ynot at Kurt Lojera upang supilin ang mga tangkang paghabol ng mga mandirigma ng Novaliches at di na lumingon pa ang Davao hanggang sa pagtunog ng buzzer.

Tangan ngayon ng Davao Occ.Tigers Cocolife ang 6-4 kartada habang dumausdos sa 6-7 baraha ang Nova sa yugtong pinamamayagpagan ng Biñan Tatak Gel na wala pang talo sa dosenang laban.

“ Malaking bagay ang ating panalo kontra Novaliches.Optimistic ako diretso na ang pagbalikwas ng ating Tigers” ,pahayag ni team manager Arvin Bonleon. (Danny Simon)