Advertisers

Advertisers

Titser/tour Guide timbog sa droga

0 10

Advertisers

NATIMBOG ng pulisya at PDEA Regional Office-13 ang isang titser at tour guide sa drug buy-bust operation sa Barangay 1, Poblacion, General Luna, Siagao Island, Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga .

Kinilala ang naaresto na si Niño Sumalinog Ruiz, 40 anyos, ng Barangay 1, Poblacion, General Luna, Siargao Island.

Ayon sa Surigao Del Norte Police Provincial Office, tatlong ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P6,000 ang nabili ng poseur buyer ng PDEA mismo sa bahay ng titser, at may iba pang uri ng droga tulad ng 14 vacuum-sealed package at transparent plastic sachet ng marijuana, chocolate bar na tumitimbang ng 70 gramo at nagkakahalaga ng P170,000, 4 self-sealing transparent plastic sachet ng marijuana kush na may timbang na 8 gramo na nagkakahalaga ng P40,000, 1 bilog na puting plastic na naglalaman ng marijuana kush na may timbang ng 4 gramo at nagkakahalaga ng P20,000, 1 bilog na asul na plastic na lalagyan na may 0.5 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P2,500, at 4 self-sealing pouch na naglalaman ng 0.5 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P2,500.



Magkatuwang na inilunsad ng PDEA Caraga Region XIII, PDEA Surigao del Norte, PNP Surigao del Norte Drug Enforcement Unit, at General Luna Municipal Police Station ang buy bust operation.