Advertisers

Advertisers

Higit 10K inmate nagtanggal ng gang tattoos

0 212

Advertisers

Nagtanggal na ng gang tattoo ang nasa 10,000 inmate na nasa kulungang pinamumunuan Bureau of Corrections (BuCor) kasabay ng pag-asa na mababawasan na ang gulo sa.
Sa pahayag ng BuCor, 10,274 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakiisa sa “Oplan Bura Tatak” na inilunsad ni BuCor Director General Gerald Bantag.
Kasama sa nakilahok sa Oplan Bura Tatak ang 6,806 mula sa New Bilibid Prison (NBP); 60 sa Correctional Institute for Women (CIW); 2,484 sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF); 2,050 sa Leyte Regional Prison (LRP); 156 sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF); at 408 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF).
Inilunsad ang Oplan Bura Tatak, makaraang maganap ang riot noong Oct. 9 sa Quadrant 4 sa Maximum Security Compound ng NBP.
Muling sumiklab ang gulo noong Lunes, November 9 kung saan apat ang nasawi at 62 sugatan. (Gaynor Bonilla)