Advertisers
Ni NOEL ASINAS
SI Alliana Queenie Habana, 22, ang nakoronahan bilang Miss Mandaluyong 2024 Tuesday night (Feb. 6) na ginanap sa bagong Mandaluyong College of Science and Technology Gym, Brgy. Addition Hills.
Mula si Alliana sa maunlad na Brgy. Buwayang Bato, kung saan dito nakatayo ang big condos, corporate offices at main headquarter ng TV5, ang Kapatid Network.
Mismong si Vice Mayor Menchie Abalos at chairman of Judges Queenie Gonzales, wife of Cong. Boyet Gonzales ang nagputong ng crown kay Alliana, katulong din ang Miss Mandaluyong 2020 Veronica Michelle Meneses, daughter of PBA basketball legend Vergel Meneses.
Napili si Alliana out 21 candidates na galing sa iba’t ibang barangay ng Mandaluyong. Kasalukuyang may 27 barangay ang siyudad ng Mandaluyong, kasama ang sikat na Brgy. Wack-Wack, kung saan nandito ang Megamall at Shangri-la Mall and Hotel, na parte rin ng Ortigas Center.
Nagwagi ng ?200,000 cash si Alliana. Samantala, ang apat pang top 5 candidates ay tumanggap din ng premyo.
Ang mga nasa top five:
1ST RUNNER UP – TAMARA ROSE CABALLERO, BRGY. HAGDAN BATO ITAAS, 100K
2ND RUNNER UP – MIKAELA ROZEL BAYANI, BRGY. NAMAYAN, 75K
3RD RUNNER UP – FRANCHESCA AUDREY CRISTOBAL, BRGY. SAN JOSE, 50K
4TH RUNNER UP – MARY BENNETTE MACANDILI, BRGY.VERGARA, 50K
Samantala, si Miss Mandaluyong 2024 Alliana at apat na runners up, ay itinampok sa isang magarbong float sa 79th Liberation Day of Mandaluyong City Parade last February 9, 2pm, na dumaan sa mga pangunahing lansangan ng Mandaluyong, kabilang ang Kalentong, Shaw Blvd., Boni Ave., A. Bonifacio St., at iba pa. Ang parade ay pinangunahan ni Mayor Ben Abalos at ng buong konseho.