Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 17 namatay; 93 gumaling; 4,963 bagong kaso

0 287

Advertisers

MALAPIT nang sumampa sa 100 libo ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) ngayong unang araw ng Agosto ay nasa 98,232 na.
Kasunod ito ng bagong karagdagang kaso na 4,963 kumpirmadong kaso mula sa isinumiteng report ng 74 mula sa 94 operational licensed laboratories.
Habang ang aktibong mga kaso ay umabot na sa 30,928.
Karagdagang 93 naman ang naitalang gumaling sa sakit kaya nasa 65,265 na ang kabuuang recoveries laban sa COVID-19.
Sa nasabing karagdagang kumpirmadong mga kaso, 4,841 (98%) ang nangyari noong July at 3,981 (80%) naman ang nagyari sa loob ng 14 na araw mula July 19 hanggang August 1.
Ang NCR ang may pinakamaraming naitalang mga kaso sa loob ng 14 na araw na nasa 2,087 o 52%; Region 4A, 959 o 24%; at Region 7, 223 o 6%.
Samantala, mayroon namang 17 bagong mga pumanaw sa sakit sanhi upang umabot na sa 2,039 ang total COVID-19 deaths sa bansa.
Sa nasabing bilang ng mga nasawi, 13 (76%) ang nangyari noong July at 4 (24%) noong June.
Mula naman sa NCR ang 5 o 29% na nasawi; Region 4A, 5 o 29%; Region 7, 4 or 24%; Region 1, 2 o 12%; at Region 9, 1 o 6%.
Mayroon namang 85 duplicates na inalis sa total case count.
Sa bilang na ito, 6 ang recovered cases at 1 ang tinanggal na nasawi. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)