Advertisers

Advertisers

NATAPYASAN NG PONDO… CHARTER CHANGE O MAGSASARILI NA ANG MINDANAO?

0 1,391

Advertisers

Sa pagkakaalam ko.., noong NATAPYASAN ng INTELLIGENCE FUND si VICE-PRESIDENT/EDUCATION SECRETARY SARAH DUTERTE ay mahayblad na ang tatay niyang si dating PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at inaway na si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR kasunod ang pagdedeklara na hihiwalay na ang MINDANAO sa REPUBLIKA NG PILIPINAS kaalinsabay pa ng isinusulong na CHARTER CHANGE

Sa isinagawang AGENDA FORUM sa CLUB FILIPINO nitong Sabado na ang host ay si ATTY. FRED MISON ay nalitanya ni LEGISLATIVE RESEARCH GROUP CHIEF/ POLITICAL PSYCHOLOGIST DR. CLARITA CARLOS ang.., “you cannot make a decision out of fear, huwag kang padala sa silakbo ng damdamin” .., na pinatutungkulan nito ang mga POLITICS na nagsusulong para sa pagbubukod ng MINDANAO

Ipinunto pa ni DR. CARLOS na ang PEOPLES INITIATIVE bago pirmahan ninuman ay kinakailangang naiintindihan at ang mga nagsusulong nito ang manguna sa pagpapaliwanag kung ano ang dapat mangyari o ano ang produktong inilalako ng mga ito.



Mga ka-ARYA.., kailangan maging maliwanag sa lahat kung ano ang gustong mangyari ng mga mambabatas tulad sa ipinupunto ng LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION (LCSP) na nirerepresenta ni ATTY. ARIEL INTON.., na kung tatanggalin ang public transport bilang public utility at ibibukas ng 100% na FOREIGN OWNED ay tututulan ito ng LCSP.

“Dapat ngayon pa lamang ay maging klaro tayo dito dahil sa may ilang Kongresista na hinihingi ang suporta ng public transport para sa charter change.., sa usaping CHARTER CHANGE walang oposisyon o administrasyon, PANININDIGAN LANG ANG DAPAT PAIRALIN” pahayag ni ATTY. INTON.

Ang ninanais pala ng mga nagsusulong na baguhin sa CONSTITUTION ay ang ECONOMIC PROVISIONS para maakit daw ang mga dayuhan na mamuhunan sa ating bansa.

“THE OPERATION AND MANAGEMENT OF PUBLIC UTILITIES IS RESERVED FOR PHILIPPINE NATIONALS AND AT LEAST 60% OF THE EQUITY SHOULD BE OWNED BY FILIPINO CITIZENS”.., ito raw ang hadlang sa pagpasok ng foreign investments; pero klaro naman na “operation and management” of PUBLIC UTILITIES lang ang may 60/40 requirement at hindi lahat ng negosyo o industriya.., na pwede pa ring pumasok ang dayuhan basta hanggang 40%.

Sa isang kontrobersyal na batas ay binago and depinisyon ng PUBLIC UTILITIES at nalimita lang sa mga sumusunod:



Republic Act 11659 – Public Utility shall apply to persons or entities that operate, manage or control the following: a) distribution of electricity: b) transmission of electricity; c) petroleum and petroleum products pipeline transmission system; d)water and wastewater pipeline systems; e) seaports at public utility vehicles

Ang mga communications, broadcast at iba pa ay hindi na tinatawag na public utilities.

Ito ba ang nais baguhin sa ECONOMIC PROVISIONS na tanggalin ang 60/40 nationality requirement sa mga industriyang ito.., at noon bang nagkaroon ng SIGNATURE CAMPAIGN para sa PEOPLES INITIATIVE ay naipaliwanag ba ito?

Sa panawagan ni dating PRES. DUTERTE na hihiwalay na ang MINDANAO sa REPUBLIKA NG PILIPINAS ay binansagan naman ni dating PRESIDENTIAL SPOKESPERSON at ngayo’y PROFESSOR ATTY. EDWIN LACIERDA na “VERBAL FUNGI” ang panghihikayat at sa pagkakaalam ko po naman ay NAGTAMPO lang si dating PRES. DUTERTE nang matapyasan ng INTEL FUND ang kaniyang anak.

Teka.., hindi kaya ORCHESTRATED lang ang bangayan ng PAST PRESIDENT at PRESENT PRESIDENT.., na ang kalalabasan ay pareho rin silang magbebenepisyo sa kani-kanilang magiging DESTINY?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.