Advertisers
INIUTOS ng hukuman ang pag-aresto sa isang dating kandidato para sa Sangguniang Panlungsod ng Masbate na sangkot sa dalawang bilang ng Violence Against Women and Children Act (VAWC) o Section 5 (1) ng Republic Act 9262.
Batay sa inisyung warrant of arrest ni Acting Presiding Jose Ronald M. Bersales ng Masbate Regional Trial Court, Fifth Judicial Region Banch 48 , si John Lorenz Maat Romualdez, mas kilala bilang “Jolo Romualdez”, ay may kinakaharap na Criminal Case Nos. 22338 at 22339 na may petsang November 2023.
Nakasaad din sa kautusan na may itinakdang P288,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang Kalayaan.
Inatasan ang mga awtoridad na gumamit ng body-worn camera at recording device sa pagpapatupad ng pag-aresto.