Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
LIMITED daw ang viewership ng A2Z Channel 11 na hanggang Luzon area lang. Kaya naman ‘yung mga programa ng ABS-CBN na pinalalabas dito ay hindi raw impressive ang ratings.
Mas nagre-rate pa raw o pinapanood ng televiewers ang digital platforms ng Kapamilya network gaya ng iWANT, Facebook, KT (Kapamilya Trending), at Youtube kasama na ang cable.
Dati ay masyadong active ang PR department ng ABS-CBN na magpalabas ng daily ratings ng kanilang mga teleserye, live show, news program, etc. pero ngayon ay nganga sila dahil waley silang maipagmamalaki.
Well, sana may magandang development naman kapag nailagay na sa digibox o TV Plus ang A2Z channel na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva. Sayang, pagdating sa dekalidad na teleserye ay nangunguna ang ABS-CBN.
Sana hwag naman mapunta sa wala ang lahat. Basta ako dalawa lang ang pinanonood kong Kapamilya show, ang FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado.
***
CollaBros Artists Mga Talented, Patok Na “Teka Lang” Ni Emman Nimedez Ginawan Ng Cover Song At Music Video Ni Direk Reyno Oposa
Palaki ang pamilya ng CollaBros na sister company ng Ros Film Production ni Direk Reyno Oposa.
Yes, majority ng mga artist ni Direk Reyno ay mga newcomer na gusto niyang makilala lahat sa showbiz sa pamamagitan ng pino-produce at direk niyang music videos.
May ilan din silang talent sa CollaBros na mga kilalang social media influencer tulad nina Leng Altura at Whamos at nariyan din ang maingay na rin ang pangalan na si Thania Puketera.
Dito naman sa bagong music video ng Ros Film Production na “Ako Ang Piliin Mo,” na mapapanood na sa official Youtube channel na Reyno Oposa ay bukod sa kumanta ng song na si Rhian Rey ay nasa cast din sina Von Mira, Charise Lepiten, Eden Chugasna, at Ljie Kalon. Co-director naman si Bhuboy Pioquinto, Ppj Quintos (Videographer) at Rhianny Covers na sumulat at nag-composed ng Ako Na Lang Ang Piliin.
Sa ganda at hugot ng OPM love song ay patuloy na umaani ito ng magagandang komento at marami ang nag-like at share at thousands na rin ang views nito sa channel ni Direk Reyno. Kabilang din sa latest release na music video ni Oposa ang “Teka Lang” ng namayapang sikat na vlogger na si Emann Nimedez na as of presstime ay pumalo na sa 34M views sa YT na ginawan naman ng cover song ni Arcil Pontillas na dinirek at prodyus pa rin syempre ni Direk Reyno.
Lahat ng artists ng CollaBros ay sa Elyon Recording Studio nagre-recording.