Advertisers

Advertisers

Westbrook pa-East?

0 238

Advertisers

Papunta ba sa East si Russell Westbrooke makaraan ang isang taon lang sa Houston?

Uso na talaga sa NBA ang request o demand na ma-trade kapag hindi na happy.

Posible itong maganap matapos maghayag ang MVP noong 2017 na ayaw na niya sa Rockets. Tiyak may mga koponan sa Eastern Conference na interesado kay Westbrook.



Pwede ang mga win mode asap na mga prangkisa gaya ng Milwaukee, Philadelphia at Boston.

Maari rin ang mga walang problema sa salary cap at nangangailangan ng isang veteran scorer tulad ng New York, Atlanta at Chicago.

Mas maigi sa East siya mapunta para makatulong sa pagbalanse ng dalawang grupo.

***

Sigurado na pagbabalik ng NBA sa ika-22 ng Disyembre ay wala pang malinaw na patakaran kung papayagan na ang mga tagahanga sa venue.



Halimbawa ang Lakers nag-anunsyo na batay sa mga alituntunin ng siyudad ay hindi pa magbubukas ang Staples Center sa mga manonood sa bagong season ng liga.

Kapag may pahintulot na raw ang mga opisyales ay agad nila itong isasapubliko. Kasi malaking kwarta rin mawawala sa box-office kung walang ota.

***

Magandang regalo kay Coach Norman Black ang panalo ng Meralco sa huling araw ng elimination round dahil nakapasok sila sa quarterfinals sa 5th spot. Ika-63 taon na ng tinaguriang Mr 100% ng PBA.

1982 pa dito ang Amerikanong ama ng Bolt rookie na si Aaron. Naging outstanding import ng maraming beses sa pro league.

Multi-titled mentor din sa PBA at gayon din sa UAAP. Long-time endorser rin siya ng Burlington socks na siya ring main sponsor ng kanyang basketball instructional on air at cage clinics.

Kahapon ay hinarap nila ang San Miguel na meron twice-to-beat na advantage sa kanila. Mas mainam kung nagwagi sila para patunayan na best-ever All-Filipino line-up nila ito ayon mismo kay Norman.

***

Nagpuputok ang butsi ni Ate Pia dahil humihiling ng imbestigasyon ang isa nyang kapwa senador na babae tungkol sa proyekto ng kanyang utol na sporting facility. Ito ay sa Clark na ginamit sa huling SEA Games.

Kesyo bakit daw kapag world-class ang facilidad may anomalya na? Para daw ito sa ating mga atleta ngayon at bukas.

Tanong naman ni Ka Berong sa mambabatas na taga-Taguig ay bakit mababahala kung wala naman tinatago.

Parang yung tanong ng mga DDS tulad niya ay kung hindi adik ay wala dapat ikatakot sa tokhang. Hehe.