Advertisers

Advertisers

Sey mo Jak…Barbie binuking, mas matigas si David

0 4

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

KUMASA sa Fast Talk challenge si Barbie Forteza sa programa ni Boy Abunda.

Nag-throwback siya nang una niyang makilala si David sa audition noon ng “Meant To Be.”



Aniya, bagama’t nakyutan daw siya sa Pambansang Ginoo  ay napansin niya ang pagiging mahiyain nito.

Kahit hindi natanggap bilang isa sa leading man niya, naniwala raw naman siyang may mararating ito kung magpupursige sa pag-aartista

Fast forward, hindi raw niya akalaing darating ang panahon na magiging katambal niya ito sa mga seryeng “Maria Clara at Ibarra” at “Maging Sino Ka Man.”

Sa tsikahan sa King of Talk, ni-rate rin niya ang kanyang love team partner na si David Licauco.

From a scale of 1 to 10, 11 ang ibinigay niyang score sa pagiging mabango ng Chinito actor.



12 naman ang score niya sa pagiging sweet nito.

11 naman ang assessment niya sa pagiging mayaman nito.

Sey pa niya, nahihiya raw si David kapag kinu-compliment niya.

Dagdag pa niya, takot din daw sa kanya ang Pambansang Ginoo.

Hirit pa niya, mas kuripot daw naman siya kay David.

Ibinuking din niya na mas matigas ang ulo ng ka-love team at mas matagal mag-reply kapag tini-text o tinatawagan kumpara sa kanya.

Sa naturang tsikahan, naikuwento rin ng Kapuso actress ang kanyang puspusang paghahanda sa period series na “Pulang Lupa” kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang vaudeville dancer.

Uma-attend daw siya ng three-hour dance lessons para ma-perfect ang kanyang tap dancing.