Advertisers
Tuloy-tuloy pa din at nananatiling namamayagpag umano sa kanilang komunidad sa San Carlos City ang mga sugal na ito partikular na ang online pa-sabong ng umano’y kumpare ni Mayor Resuello at ang mga sugal-lupa ng isang alyas Kap Boyet na regular na kinokolektahan ng tong o timbre ng isang pulis na si PIDLAWAN na umaakto ring personal bodyguard ng alkalde.
Ayon pa sa ating mga mapagkakatiwalaang sources d’yan sa San Carlos, Pangasinan, di bababa sa kalahating milyong piso (Php 500K) ang lingguhang payolang ipinadadala sa opisina ni Colonel Franklin Ortis na siya umanong tumatayong City Police Director ng San Carlos.
Si Colonel Ortis naman umano ay malapit at pinagkakatiwalaang tauhan at opisyal ni Pangasinan Provincial Police Director, Colonel Redrico Maranan.
Sa mismong plaza ng San Carlos City makikita ang mga pasugalang ito ni Kap Boyet na sinukluban lamang halos ng mga katsang kumot at lona upang hindi kapuna-puna at nakabuyangyang.
Bukod sa plaza ng siyudad, dalawampu (20) pang mga puwesto sa iba’t ibang barangay ng San Carlos City nakakalat ang iba pang iligal na pasugalan ni Kap Boyet.
.Ano kaya ang masasabi sa isyung ito ni Pangasinan Governor Amado Espino III kung saan isang elected local city official ang itinuturong coddler ng isang gambling lord?
‘Wag sanang balewalain ng gobernador ang seryosong alegasyong ito laban kay Mayor Resuello ng San Carlos, Pangasinan!
Nade-demoralized po kasi ang buong puwersa ng kapulisan ng nasabing lungsod dahil nagsisilbing flower base o dekorasyon lamang sila at ng kanilang hepe na si Col. Ortis na harapang tinutulongges ng sigang pulisan (pulis na, tulisan pa) na si PIDLAWAN.
Paging DILG Secretary Eduardo Ano, paki silip naman po ang talamak na operasyon ng iligal na sugal diyan sa Pangasinan partikular na sa San Carlos City kung saan mismong kapulisan ang nagsasabing binibigyan ng proteksyon ni Mayor Resuello at ng kanilang mga opisyal ang isang kumpare nito na operator ng online sabong at si alyas Kap Boyet na kilalang gamblong lord ng nasabing lungsod!
Kung di po tayo nagkakamali Secretary Ano, maging itong si Kap Boyet at isang barangay captain din na pasimuno ng katarantaduhan.
Kung kailangang ipasailalim sa ‘preventive suspension’ ang nasabing alkalde at ang kupal na KUPITAN este Kapitan ng barangay upang di maimpluwensiyahan ang isasagawang imbestigasyon laban dito ay gawin na kapagdaka dahil na rin sa gravity ng akusasyon laban sa mga ito na mismong mga miyembro ng kapulisan ng San Carlos ang nagsasabi.
Nagkakabukulan na kasi sa sistema n’yong ‘IMBUDOHAN’ sa intelihensiya hehehe!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com