Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
SIKAT ngayon si Albee Benitez, Bacolod City Mayor dahil sa pagkaka-link nito romantically kay Ivana Ilawi.
Pero parehong dinenay ng dalawa na wala silang relasyon. Gawa gawa lang daw ng mga Marites at tribu ni Mosang ang isyu sa kanilang dalawa.
At nag-sorry pa si Mayor Albee kay Ivana at sa pamilya nito na puwedeng lagyan ng background music titled I Apologized.
“I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.
“Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.
“I apologized to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them,’ pahayag ni Mayor Albee sa kanyang FB socmed account kumakailan lamang.
Nu’ng early 80’s ay madalas at halos gabi gabi ay nakikita ni yours truly si Albee sa Light Haus Night Club sa may Timog, Quezon City at pinapanood namin ang mga pretty models ni former actress Karla Kahlua.
Barkada niya noon sina Jong Cuenco, Karla Kahlua plus ilang models ng Light Haus noon.
Sa pagkaka-alam ni yours truly walang naging syotang model sa Light Haus noon itong si Bacolod Mayor Benitez pero nagkaroon daw ito ng girlfriend na isang beauty queen at that time na magaling daw sa badminton and used to work daw as model in Makati nuong hindi pa raw itey naging beauty queen.
And the rest is now a history of yesterday, boom, ganernn!
Mabait si Mayor Albee at di ito nakakalimot magbigay ng tulong sa mga benefit concerts ni Charity Diva Token Lizares sa mga sick and poorest of the poor ng nasabing bayan.
Sa ngayon daw ayon sa aming source, bukod sa pagiging Bacolod Mayor ni Albee ay isa na rin daw itong movie at TV producer.
At least mas maraming publicities the more sumisikat ang isang artista sa true lang dahil nga ,aging laman ng mga tabloids, You Tube Vlogs, Instagram, Facebook, Twitter at iba pang pahina sa social media na usong uso na ngayong mga panahon na ito lalo nang magkaroon ng Pandemic Covid 19 na maraming naluging negosyo coz much affected ni Covida Veerus, devah naman Ex-President Digong?
Well….well lang daw, o!
“**
DARREN, INAMIN ANG NASA PUSO SA AWITIN NA “IYO”
NAGTAPAT ng pag-ibig ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren sa bagong awitin na “Iyo” na mula sa soundtrack ng primetime series na “Can’t Buy Me Love.”
Ibinuhos ni Darren ang kanyang damdamin sa awitin na may mensahe ng pagpapahayag ng pagmamahal at pangakong mananatili sa gitna ng iba’t ibang pagsubok sa buhay. Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang inareglo naman ito ni Tommy Katigbak at iminaster ni Dante Tañedo.
Unang inawit ni Darren ang Chinese version ng “Iyo” sa “Can’t Buy Me Love” nang haranahin niya ang karakter ni Belle Mariano na si Caroline bilang pag-amin sa kanyang totoong damdamin.
Bida naman sa music video nito na inilabas sa Valentine’s Day sina Maris Racal at Anthony Jennings na kinaaliwan ng mga manonood bilang Irene at Snoop sa serye.
Noong nakaraang taon, inilabas din niya ang single na “Bibitaw Na” sa ilalim ng Star Music na umani ng mahigit pitong milyong views sa TikTok at 285,000 streams sa Spotify.
Damhin ang matamis na mensahe ni Darren sa bagong awitin na “Iyo” na available sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.