Advertisers
Ni Beth Gelena
TRENDING ang picture ni Xian Lim na nakangiti habang nakaakbay kay Iris Lee, isang film producer.
Ang picture ay kuha sa riding event na makikita rin ang singer na si JK Labajo na may kasama ring isang girl.
Ang daming nagtatanong kung si Iris na raw ba ang bagong girlfriend ng actor.
Ang nasabing mga larawan ay naka-upload sa Watanabe Riding Development sa Facebook.
Aside sa nakaakbay si Xi kay Iris, the girl was also holding the hand of the actor that was on his shoulder.
Kamakailan lang din ang larawan nina Xian at Iris ay kumalat na sa social media.
Obviously, si Iris na ngayon ang nasa puso ni Xian at out na talaga si Kim Chiu.
Sey ng netizens, “Ang shaket…kim”
“Real GFs, hindi pilit para sa LT promo. Haha!”
“The girl ata is a producer of Xian’s movie before with kylie. Soo baka you know he liked her since then lol”
“parang hawig ni Alex G yung kay Xian lol”
“The new girlfriend of Xian comes from a well-off family at educated din si girl.
Kim is prettier though.”
“same wavelength si Xian at ang gf. I think ganyan talaga type ni Xian. Someone whom he can talk to sensibly.”
“Kung hand placement ni girl sa hand ni Xian ang titignan mukhang matagal na sila”
Sabi naman ng supporters ni Kim, “Di kawalan si Xian. Buti nalang nilayo sya ni Lord dyan. Dami pang iba.”
“Huh? Kaka break pa lang, may new gf na agad? Or matagal na sila?”
“Sakit noh yung kaka break niyo tapos may iba na parang maiisip mo na lang baka naglandian na sila nung kayo pa”
“matagal na yang c X at Viva produ, ngaun lang nakalabas in public”
“From Chiu to Lee quick transition.”
“eto pala yung matagal na nalilink kay Xian. Unti unti ng lumalabas.”
Ang masakit, bakit tinaon pa ang pagpost ng picture nina Xian at Iris sa araw mismo ng mga puso.
Sinadya ba o nagkataon lang?
***
Queen of All Media pinagpramis si kuya Boy
PINADALHAN ni Kris Aquino ng important statement ang very close friend na si Boy Abunda hinggil sa kanyang update health condition.
Binasa ng TV host sa kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda ang mensahe ng Queen of All Media.
53rd birthday ng Feb. 14 ni Krissy.
Pinag-promise ni Krissy na wag iiyak si Kuya Boy habang binabasa nito ang important update hinggil sa kanyang health.
Ayon kay Kuya Boy, pipilitin niyang huwag umiyak.
“Tomorrow, she is celebrating her birthday. And we’re going live again tomorrow dahil Kris requested me to read a very important statement tungkol sa kanyang kalagayan.
“Sabi nga niya, ‘Utang ko sa milyun-milyong tao na nagdarasal para sa akin.’
“Sabi niya, ‘Boy, it has to be you. You have to read my statement para maunawaan ng tao.’
“Sabi niya sa akin, ‘Para mas maintindihang mabuti, promise me Boy, you will not cry.’ Sabi ko, ‘Kris, aantayin ko ang iyong statement and I will try not to cry.’“
***
OGIE WALANG GALIT KAY BEA
NILINAW ni Ogie Diaz na wala siyang galit kay Bea Alonzo.
Feeling lang daw yon ng iba. Nag-sorry din siya kung may na-offend sila sa kanilang naibalita pero aniya ay pwede naman silang i-unfollow.
Si Ogie ang isa sa unang nagbalita tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque.
Sinabi kasi ng ex-couple nang maglabas sila ng statement hinggil sa kanilang break up, sinabi nito na wala silang consent sa pagkumpirma ng iba tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Hindi kasi agad nagsalita ang dalawa ngunit maging si Boy Abunda ay kinumpirma ang kanilang paghihiwalay.