Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGKAROON kami ng pagkakataong mapanood ang pelikulang “Lisa Frankenstein” sa opening day nito.
In fairness kay Liza Soberano na kasama sa cast, she shares stellar billing with Kathryn Newton at Cole Sprouse na mga bida sa horror-comedy ni Zelda Williams.
Kuwento ito ng isang high school outcast (Kathryn) na ang ina ay nasaksihan niyang pinatay ng isang ax murderer na hindi naman naresolba ang kaso.
Nag-asawa muli ang kanyang ama at naging stepsister niya si Taffy (Soberano) na anak ng evil stepmother niyang binibigyang buhay ni Carla Gugino.
Sa kanilang pagsasama sa isang bubong, mararamdam ni Newton ang pagmamaldita ni Soberano.
Makakakuha naman ng kakampi si Liza (Newton) sa isang bangkay (Cole Sprouse) na binuhay niya sa isang freak accident.
As a newbie sa Hollywood, nagampanan naman ni Liza ang kanyang role with flying colors.
First time rin na pumayag ni Liza na magkaroon ng simulated bed scene with Dylan Sprouse na ex ni Kathryn sa movie.
Nang mahuli ni Kathryn na niloko siya ni Dylan, come to the rescue naman ang knight in shining armor nitong si Cole.
Katunayan, pagkatapos nitong tsugihin ng kanyang palakol si Dylan, muntik na ring makatay si Soberano nang balingan siya nito.
Ang pelikula ay makapagpapaala sa mga manonood ng pop culture noong ’80s.
Kapansin-pansin na ang ginamit na soundtrack sa eksena kung saan inuundayan ng palakol si Soberano ni Sprouse ay ang “On The Wings Of Love” na titulo ng serye ng JaDine.
All in all, pasado naman ang acting ni Liza lalo roon sa mga eksenang scream to death at nanginginig after experiencing near-death encounters.