Advertisers
Ni BETH GELENA
SUMABAK na rin sa surfing competition si Andi Eigenmann.
Sa kanyang IG stories ay binida ang ilang snap from her first surfing competition sa La Union.
Aniya, “Really happy that we made our way up here to La Union to be part of Single and Unattached’s 10th year. I remember coming to their event back in 2018 and this was the time I got hooked into surfing. 6 years later, here I am! Joining their comp, and even being in the same division as (Philmar Alipayo), who actually took the win!”
Pinasalamatan ni Andi ang kanyang fiance-partner na si Philmar na very supportive at matyagang nagtuturo sa kanya ng surfing.
Si Philmar ay isang international surfer at ilang beses na ring naipanalo sa ibang bansa ang Pilipinas.
“I’m in awe of your dedication to always do so well in everything you choose to do, Mahal. You inspire me always! Salamat sab karajaw sa imo supporta sa ako, sa pag coach, video sanan paningkamot na maabot nako ako pangandoy sa pag surf (Salamat ng marami sa iyong suporta sa akin at sa pag-coach, at sa effort sa pag-video mo para maabot ko ang pangarap ko sa pag-surf),” pasasalamat ni Andi sa kanyang partner in life.
***
NANOOD si Kathryn Bernardo ng Eras Tour ni Taylor Swift sa Melbourne, Australia.
Very happy ang aktres bilang isang fangirl.
Kasama ni Kath ang kanyang bestie na si Arisse de Santos and some of their friends.
Sa mga larawang kuha ay enjoy na enjoy ang ex ni Daniel Padilla.
Bilang isang Swiftie, ang OOTD ni Kath sa Eras Tour ay very comfy fit for dancing the night away.
Isang top na Taylor Swift T-shirt na may ternong metallic mini skirt with matching Le Carinu bag from Jacquemus at pair of Golden Goose cowboy boots kung saan ayon sa GoldenGoose.com ang approximate price ay nasa P44,189.84 ($790).
Ang Le Carinu Jacquemus Leather Handbag, ay nasa P35,521.91 ($635.04), JACQUEMUS, VestaireCollective.com.
“THANK YOU SO MUCH!!! THIS IS THE BEST NIGHT OF MY LIFE. WE LOVE YOU!! THANK YOU,” ani Kath.
Nakasuporta naman ang mga faney ng aktres.
“Go Kath! Enjoy lang gurl, sulitin mo ang 11 years na nasayang…”
“Girlie is finally living her life at her own terms. Happy for her! Same ng naramdaman ko nung kinasal si Sarah G at nakuha ang freedom niya.”
“Since her breakup with D, unti unti na nawawala pabebe vibes sa kanya. She is so free and living her best life.”
“Iba talaga ang glow pag nakawala sa isang controlling na boyfriend. Go kath enjoy life the way you want it.”
***
RITA DANIELA NAGING THIRD PARTY SA SHOWBIZ COUPLE
INAMIN ni Rita Daniela na minsan din siyang naging third party umano ng showbiz couple a few years ago.
Hindi na nagbigay ng detalye ang Kapuso aktres kung sino ang tinutukoy dahil kasal na umano ang dalawa.
Aniya sa programa ng Kapuso network ay guest ang aktres-singer.
Aniya sa panayam, “Na-experience ko na maging third party sa isang relasyon. Naghiwalay sila dahil sa akin.”
Nangyari raw ang insidenteng iyun
between 2017 at 2018.
Isa rin si Ken Chan na naroroon sa programa at sinabi niyang alam daw niya ang istorya na yun kay Rita at celebrity rin umano ang girl.
Esplika ni Rita, wala raw siyang idea na third party pala siya dahil pagkakaalam niya ay hindi pa taken ang nasabing boyfriend.
Agad naman daw siyang nakipag-quit sa guy nang malaman niyang may ibang girl ito.
“Usually pag sinasabi nila yan, di sila okay. Tapos meron pa rin pala so nung nalaman ko siyempre tinigil [ko] ‘di ba.”
Pagbabahagi pa niya, “So nung tinigil, medyo naging makulit si guy so ginawa ko lahat para hindi na siya matuloy. Nung nalaman ni girl, naghiwalay na sila. But also, nangyari yung kasi wala pa akong God nun sa buhay ko.”
Despite na naging third party ang aktres, she continuously apologized to the couple for the misunderstanding.
***
IN-assure ni Coco Martin ang fans ng ‘Batang Quiapo’ that they will show the never-before-seen scenes.
Nasa second season na ang primetime serye na BQ ng actor.
Aniya, mas maraming explosive scenes na mapapanood ang kanyang avid viewers.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN News na ibinahagi ni Coco, ang character niyang Tanggol ay mas lalong mamahalin ng fans sa new chapter ng kanyang buhay kapag nakalabas na siya sa bilangguan.
“Part na ito ng pagkalaya ni Tanggol. Aaralin na niya kung paano hawakan ang Quiapo at Maynila. Kasi sa bilangguan, nakilala ko ‘yung character ni Tito Nonie Buencamino, si Marcelo.”
Nonie’s character will teach Tanggol how he would his use brain and skills for good things and would stop him from getting involved in fights and killings.
Aware rin ang actor sa mga komento ng netizens nang mamatay si Mokang (Lovi Poe).
“Sabi ko nga sandali lang, ipapalabas pa rin namin ‘yan, ‘yang mga nakita nilang eksena, magugulat sila kung paano namin sila ipapalabas,” sambit pa niya.
Nababahala rin siya sa ibang scenes na hindi type ng manonood na sinasabi nilang “puchu-puchu.”
“The more na nahihirapan kami, the more na pinaghihirapan namin ang production o isang bagay na ginagawa namin.”
Marami kasi ang nagsasabing kaya napag-iiwanan ni Ruru Madrid via Black Rider ang actor dahil nakukulangan na sila sa action scenes sa BQ.