Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAKATAKDANG bumisita ngyong Linggo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa Cagayan para magbigay ng tulong at ma-assess ang kalagayan at mga pangangailangan ng mga apektadong lugar.
Ayon kay Sen. Go, lahat ng assets ng gobyerno ay naka-mobilize para rumesponde sa mga apektado ng bagyo at mga humihingi ng saklolo lalo ang probinsya ng Cagayan at Isabela na kasalukuyan paring lubog sa malawakang pagbaha.
Sa ngayon ay dagsaan ang tulong sa pagsasagawa ng rescue and response operations at pamamahagi ng mga food and other assistance sa Cagayan at iba pang lugar mula sa national government.
Sinabi pa ng senador, ang kanyang opisina ay tuloy-tuloy ang pag-iikot at paghahatid ng immediate assistance sa mga nasalanta maging ng mga nagdaang bagyo gaya sa Catanduanes, Albay at sunod sa iba pang lugar sa Bikol, southern Luzon, NCR at northern Luzon.
“Ang hiling ko lang sa mga kababayan natin, patuloy lang po tayong magbayanihan at mag-cooperate sa pamahalaan. Nandito ang gobyerno ninyo na palaging nagmamalasakit at handang tumulong. Sisiguraduhin natin na walang sinumang Pilipino ang maiiwan. Hindi namin kayo pababayaan,” dagdag na pahayag Sen. Go.
Matandaan na unang nang nagdeklara ng ‘State of Calamity’ ang lalawigan ng Isabela at ngayon araw ang Cagayan na lubhang nasalanta ng malawang pagbaha.
Kung saan ay itinuturing ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na ‘Worst Flooding’ ang nangyaring pagbaha sa kanilang probinsya.