Advertisers

Advertisers

 Thea mas trip magtaray kaysa magpatawa

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

FOR the first time ay medyo comedy ang papel ni Thea Tolentino, bilang si Jinky, sa isang pelikula, at ito ay sa Take Me To Banaue.

Mas kumportable ba siya sa ganitong character kaysa sa nakasanayan na niyang iarte sa mga teleserye ng GMA na mga contravida roles?



“Kumportable pa din ako sa pagtataray,” tumatawang sinabi ni Thea. “Medyo kabado pa din ako kasi pag sa comedy dapat may timing, ako alam ko sa sarili ko wala akong timing,” at muling natawa si Thea.

Pero welcome na welcome kay Thea ang mga kakaibang papel na ibibigay sa kanya.

“Yes, kasi if I don’t do new things, if I don’t explore new things, how will I learn?”

Bida rin sa Take Me To Banaue sina Brandon Melo (bilang si Hank) at Maureen Wroblewitz (bilang si Grace) at ayon kay Thea ay hindi naman siya third party sa pelikula.

Mapapanood ang Take Me To Banaue via streaming sa www.takemetobanauefilm.com na nagkaroon na rin ng mga special premieres at screenings sa iba-ibang bansa tulad ng Amerika.



Ang Take Me To Banaue ay sinulat nina Jason Rogers at Danny Aguilar (na siya ring direktor ng pelikula) at line-produced naman ni Monch Bravante, mula sa Carpe Diem Pictures.

***

MAGPAPAKA-action star si Celeste Cortesi sa pinakauna niyang serye, ang Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na pinagbibidahan nina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. at Beauty Gonzalez.

Kaya bukod daw sa mga Tagalog lines niya ay ang mga action scenes ang sumubok sa kakayahan ni Celeste bilang isang baguhang artista.

“Because of course it is very something new to me, and it took a lot of physical preparation, you really have to be good at it, to make your scenes very maganda sa screen so that’s a challenge definitely.

“But I’m working on it, people are helping me, yeah, I’m just quite excited, something new,” bulalas ni Celeste.

At dahil pinapayagan na ang mga transwomen na sumali sa isang beauty pageant, tinanong namin si Celeste, halimbawang kasali si Celeste sa isang beauty pageant at tinalo siya ng isang transwoman, ano ang mararamdaman niya, masasaktan ba siya?

“I wouldn’t be mad about it, I cannot be mad about it.

“It’s her space, it’s her right to win,” nakangiting sinabi pa ni Celeste.

Samantala, nasa cast din ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 ng GMA sina Carmi Martin as Lucing, Jestoni Alarcon as Police Colonel Gener Alberto, Ejay Falcon as Police Captain Ace Catacutan, Liezel Lopez as Jacqueline “Jacq” Dela Torre, Niño Muhlach as Sergeant Sylvester Salonga, Dennis Padilla as Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista as Kapitana Candida, Raphael Landicho as Kiko, Nikki Co as Dustin, Angel Leighton as Master Sergeant Pretty Competente, Jeffrey Tam as Onofre “Bunso” Batumbakal.