Advertisers

Advertisers

NUCAA ‘LEAGUE OF CHANCE’

0 4

Advertisers

TABI muna UAAP, NCAA, NCRAA etcetera.

Narito na ang naiibang ligang scholastic dito sa bayang basketbolista.

Ang National Universities and Colleges Athletic Association( NUCAA) na nasa season 2 na ay nakatakdang sumambulat sa Marso 2, 2024 sa Ynarez Sports Center sa Pasig City kung saan ang mga kalahok ay pawang mga respetadong koponan sa basketball community ng Metro Manila.



Ayon kay NUCAA Chairman Atty. Carmelo Arcilla,matapos ang matagumpay na buwenamanong season nito ay isang mas de- kalidad pa na liga ang matutunghayan sa ikalawang season kung saan ay halos balanse ang lakas ng bawat team na ang mamamayagpag ay ang pinakamalakas at pinakamatibay.

Mas mataas ns lebel ng kumpetisyon ang masasaksihan dahil sa mga makabagong inobasyon sa sistema ang big difference ng NUCAA ayon kay league president Solomon Padiz, Sr.

Tiniyak naman ni Executive Director Leonardo Andres ang bilang ng kukumpirmang koponan pagkatapos ng pinal na pagpupulong mamayang hapon sa CAB Office sa Pasay City.

Katuwang sa pagpupulong sina executive vice pres. Red Dumuk,deputy executive director Arlene Rodriguez, corporate secretary Atty.Joanne Marie C. Fabella ,auditor Ricardo Andres

Ang mga dadalo sa meeting ngayon Feb 23, 1pm ay ang mga sumusunod:. NEU, WCC, ICC, MMC, PCCR, SPCBA, ELECTRON, IIHC, ASIATECH at WEST BRIDGE.



Isang bonggang pambungad seremonya ang inihanda ng NUCAA workforce na tatampukan ng parade of colors ng school teams na dadaluhan din ng mga pinuno at top brass ng bawat institusyon.

May inihanda ring palabas ang defending grandslam champion( seniors,juniors at women’s cage team) PCCR.