Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
BUHAT nang sumambulat ang hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque, hindi sumagot ang model/actor. Naging visible man siya sa ilang kaganapan sa syobis e tikom ang bibig sa pinupukol na may gay benefactor sa condo na kanyang tinitirhan sa Bonifacio Global City at may isa rin daw siyang gasoline station.
Kaya sa tulong ng mga abogado ni Dominic, pinabulaanan niya ang lumabas sa radio program at live streaming ni Cristy Fermin at maraming vlogger ang nakisawsaw sa isyu.
Kaya gagawa raw ng legal action ang mga abogado ni Dominic. Maging sa sanhi ng di pagkatuloy ng kasalan ay hindi anya dahil sa pre-nuptial agreement.
Ngayon, masagot pa kaya ni Cristy na hindi nanununog ng isyu ang mga sources? Samantala, humingi ng paumanhin si Roque kay Mayor Bullet Jalosjos (condo unit owner ng inuupahan niya sa BGC) at kay Cong.Bong Suntay, na kinuha siyang ambassador/endorser ng kanilang gasolinahan.
Well, maganda na sa korte sila magharap-harap para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.
***
RIA AT ZANJOE, KAILAN ANG KASALAN?
MARAMI ang masaya sa Instagram post ni Ria Atayde na engaged na sila ni Zanjoe Marudo.
Masaya ang dalawa dahil tunay silang nagmamahalan. Siyempre, masaya si Ibyang ( Sylvia Sanchez) na boto kay Zanjoe para maging asawa ni Ria.
Ngayon bang taong na ito ang kasalan? Hindi naman sila sukob nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil nuong isang taon pa sila ikinasal.
Tulad ng hiling ni Ibyang, sabik na siyang magkaapo. Ayan, hintay tayo kay Maine o Ria kung sino unang magbubuntis.