Advertisers

Advertisers

MAS PRODUKTIBONG BUNGA NG SAGING ANG BINHI MULA SA SAHA!

0 844

Advertisers

Sa larangan ng makabagong teknolohiya ay iba’t ibang makinarya ang nagagamit ngayon sa sektor ng agrikultura mula pagtatanim hanggang sa pag-ani halimbawa ng mga palay.., na maging sa pagbuhay ng mga halaman na dati’y kailangan ang buto para magpatubo nang magiging binhi o kaya ay pollination ay hindi na kinakailangan pa dahil sa napaghusay na GENETICALLY MODIFIED CROPS.

Tulad na lamang sa pananim na saging.., kung marami mang magbunga ang mga karaniwang pananim na saging ay mas produktibo ang saging na nilikha mula sa TISSUE CULTURE o pinagbinhian mula sa ubod ng saha ng SAGING na eksperimentong nalikha ng EXPERT AGRICULTURIST mula sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, LOS BAÑOS, LAGUNA..

Ang makabagong tuklas sa pagbuhay at pag-aalaga ng SAGING na ipinalalaganap ngayon ni SOUTHEST ASIA REGIONAL CENTER FOR GRADUATE STUDY AND RESEARCH IN AGRICULTURE (SEARCA) DIRECTOR DR. GLENN GREGORIO ay ang punla na binuhay mula sa TISSUE CULTURE.., na aniya ay marami na silang mga punla o BINHI ng SAGING na maaaring mabibili na ng mga magnanais na magkaroon ng plantasyon at pagnenegosyo sa larangan ng pagsasaging.



Nitong Martes, February 20 ay isinelebra ng BINHI Inc at OH MYLEN GLENN (OMG) FARM ang “BANANA HARVEST AND PLANTING FESTIVAL”.., na ang SEARCA ay nag-imbita ng MEDIA TOUR na isa ang inyong lingkod sa nakasama at nakapaglibot sa OMG FARM na pinangangasiwaan ni DR. GREGORIO.., na aniya, ang TISSUE CULTURED BANANA ay lumalaganap na sa LOS BANOS at BAI, LAGUNA.., at dahil sa lawak ng plantasyon ay gumagamit ang OMG FARM ng DRONE para sa pagmomonitor sa sitwasyon ng mga pataniman.

Sa pagkukuwento ng isang FARMER/AGRICULTURIST ng OMG FARM na si RODEL ANONCIADO ay mabusisi ang ginagawang pagpapatubo ng mga binhing saging.., na ito ay pinasisimulang patubuin sa kulob na bote at may laman ding gulaman para magsilbing pataba at patubuan ng magiging punla o binhi. Ang BINHI ay mabibili ng mga nagnanais magnegosyo ng sagingan sa halagang P50 kada piraso ng punlang saging na pananim.

Ang mga saging na pinalalaganap ngayon ng OMG ay ang CAVENDISH o LAKATAN, SAGING CADABRA o SABANG DILAW na pang-export.

Ika nga, progresibo na ang teknolohiya at siyensiya sa aspeto ng agrikultura.., yun nga lang, kung hindi sasabayan ng GOVERNMENT OFFICIALS ang sinserong paggamit ng pondong financial para sa mga proyektong aagapay sa pangangailangan ng mga magsasaka dahil sa laganap na kurapsiyon ay mananatiling hikahos ang food security sa ating bansa!

***



WORLD RECORD SA IBA’T IBANG LUTONG BABOY!

Bahagi sa pagpapalakas ng industriyang magbababoy sa ating bansa ay tatangkain ng NATIONAL FEDERATION OF HOG FARMERS, Inc (NatFed) ang GUINNES RECORD para sa may pinakamaraming putahe gamit ang karneng baboy kaalinsabay sa pagdaraos ng NATIONAL PIG DAY CELEBRATION.

Ang isasagawang WORLD RECORD ATTEMPT ay magsisilbing panimula ng organisasyon sa 5-day HOG FESTIVAL sa CUBAO, QUEZON CITY at sa MARIKINA CITY sa March 1 hanggang 5 ng kasalukuyang taon.

” Our organization aims to promote the interests of the local agricultural sector by promoting food security, food safety, and food sovereignty. With the hog festival, we also hope to boost our country’s tourism by highlighting our rich culinary tradition of serving pork dishes” pahayag ni NatFed VICE CHAIRMAN ALFRED NG.

“We laud the hog farmers for initiating this ambitious project to help boost the local pork industry. Rallying business owners in Quezon City to consume clean and safe local pork is a big boost to our country’s food security goals,” saad naman ni QC BUSINESS PERMITS AND LICENSING DEPARTMENT CHIEF MARGIE SANTOS.

Ipinunto naman ni QC TOURISM DEPARTMENT OIC TETTA TIRONA na ang kanilang lungsod ay isang culinary tourism destination na naghahain ng mga masasarap at kakaibang local pork dishes.., na sinisegurado naman sa pangunguna ni QC VETERINARY DEPARTMENT CHIEF DR. ANA MARIE CABEL na ang mga pagkaing ihahain sa pagdaraos ng festival ay inihanda ayon sa hygienic standards at handling protocols.., ika nga ay safe ang mga putaheng baboy na ayon sa litanya ng NATIONAL FEDERATION OF HOG FARMERS, Inc sa pamamagitan ng kanilang CONSULTANT na si JAYSON CAINGLET ay…, “EAT PINOY PORK, ATIN ‘TO!”

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.