Advertisers

Advertisers

LIKE FATHER LIKE DAUGHTER

0 27

Advertisers

Sa siyudad ng Pasay sa katimugang bahagi ng Metro Manila ay pansin ang kakaibang tunog ng pangalang Advincula lalo na kung serbisyo publiko ang pag-uusapan.

Si Richard Advincula na kasalukuyang kapitan ng Barangay 26 Sona 4 ay isang seasoned politician na naging konsehal ng ilang taon at may isang beses na ring tumakbo ng pagka- bise alkalde at pagka- -alkalde mismo.

Bukod kay Kap Richard, naririyan pa rin ang kanyang magandang anak na si Jhaz Advincula na isang 4th year law student ng Arellano University.



Tumakbo si Jhaz bilang konsehal sa ilalim ng ticket ng kanyang ama na tumakbo namang alkalde noong 2022 national elections na bagamat kapwa nabigong manalo ay pinakabog naman ang dibdib ng mga may tahid at mapeperang pulitiko ng siyudad.

Sa Pasay kasi tulad din ng karamihan sa mga lungsod dito sa NCR at maging sa iba pang mga lugar sa bansa,na pera ang nangungusap at nagdidikta ng resulta ng bawat eleksyon.

Bagamat di nga nanalo,umani naman ng paghanga at papuri ang mag- amang Advincula na nagpakita ng kanilang marubdob na damdaming lumaban at makibaka para sa tunay na pagbabago para sa mga Pasayenos.

Nanindigan para patunayan sa kanilang mga kababayan na hindi manipulado ng ilang angkan ang matapat at mahusay na pamamahala ng isang lokal na gobyerno.

Sa murang edad,mulat at bukas na ang kaisipan ni Jhaz sa pagkakaloob ng isang matapat na hangaring makapagserbisyo sa kanyang mga kapwa- taga distrito 1 ng Pasay gaya ng kanyang amang si Kap Richard.



Ang lolo ni Jhaz na si late former Councilor,Atty.Ed Advincula ay may kahanga- hanga at malinis na track record iniwan bilang opposition leader at fiscalizer sa konseho ng siyudad.

Bukod kay Konsi Ed,naging konsehal din ng siyudad si Kap Richard at ang anak nitong si Jerome Advincula,isang registered nurse na hanggang sa kanyang huling termino ay hindi nagpalit ng balahibo at kailan man ay di naging hunyango at pinanatili nito ang pagiging oposisyon.

Sa ipinakikitang malasakit at pagmamahal ng pamilya Advincula sa kanilang mga kapwa- Pasayenos,umukit ito ng malaking paghanga at pagpapahalaga sa puso ng mga botante ng lungsod.

At para patunayan ang kanilang nag-aalab na hangaring makapaglingkod sa kanilang mga kababayan,handa muling pumalaot sa arena ng serbisyo- publiko itong si Jhaz Advincula para kanyang mahal na mga kababayan sa mapagmatyag at masinop na paggagabay ng kanyang amang si Kap Richard Advincula.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com