Advertisers

Advertisers

Most wanted sa Navotas, timbog

0 14

Advertisers

Naaresto ng Navotas PNP.ang isang nagtatago sa batas sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala ni Navotas Police Chief PCol. Mario Cortes ang akusado na si alias “Jomar”, 35, mangingisda, ng 10 ERC, Tangos North, Navotas City.

Ayon kay Col. Cortes, 6:05 ng gabi.ng February 22, 2024 nang masakote si Jomar sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy Sipac-Alamacen, Navotas City ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas City Police Station .



Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Franco Paulo R. Arago, Presiding Judge of RTC Branch 88 Cavite City noong November 11, 2021 sa paglabag sa Sec. 95 of R.A 10654 Use of Active Gear in Municipal Waters , Bays, and other Fishery Management Area.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.(Beth Samson)