Advertisers

Advertisers

Buntis na estudyante kritikal sa saksak ng dyowa

0 10

Advertisers

KRITIKAL ang isang senior high school student na tatlong buwan buntis nang saksakin ng nobyo sa Barangay Maahas, Los Baños, Laguna.

Kinilala ang biktima na si alias Elsa, 18 anyos, na nagtamo ng mga saksak sa katawan at galos na dinala sa Provincial Hospital of Laguna sa Sta. Cruz.

Ang salarin ay ang dati nitong nobyo na si alias “De Leon”, 16, high school student, ng Barangay San Antonio, Los Baños, na tumakas at nahaharap sa kasong frustrated homicide.



Ayon sa imbestigasyon ni P/Staff Sergeant Alvin Apolinario, naghihintay ang biktima ng tricycle sa Maahas Road pauwi sa kanilang bahay nang dumating ang salarin at niyaya na mag-usap.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dating magdyowa nang tanggihan ang pakiusap ng lalaki na ipalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan, na siya ang ama.

Sa galit ng lalaki, hinawakan nito ang leeg ng biktima at pinagsasaksak sa katawan.

Kahit na may mga saksak, nakalayo ang biktima at humingi ng tulong sa mga residente na siyang nagdala sa kanya sa ospital, kungsaan nasa kritikal itong kalagayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">