Advertisers

Advertisers

Sen. Jiggoy Estrada panauhin sa opening… 9-TEAMS NA SA NUCAA SEASON 2

0 4

Advertisers

AARANGKADA na ang Season 2 ng CAA. Ayon kay NUCAA chairman Atty. Carmelo Arcllla, handang- handa na ang tinaguriang ‘league of change’ sa paglarga ng National Universities and Colleges Athletic Association na nasa ikalawang edisyon na at ipinapangako nito ang ligang naiiba sa karaniwan at tiyak na magiging goldmine ng mga talento tungo sa bigtime basketball tulad ng PBA at Gilas Pilipinas na sinegundahan ni league president Solomon Padiz,Sr.

“It’s all systems go for the NUCAA Season2 opening,we are inviting all basketball enthusiasts to witness the next big season of the ‘ League of Change”, wika ni Atty Arcilla.

Sinabi naman ni Executive Director Ding Andres na kumpirmado na ang paglahok ng siyam na institusyong bubuo sa NUCAA sa pangunguna ng 3-division defending champion na Philippine College of Criminology kabilang din ang IIH College, Electron College, San Pedro College of Business Administration, WCC North Manila, Asia Technological School of Science and Arts,Westbridge Institute of Technology,Inc.,New Era University at Metro Manila College Novaliches.



Kinumpirma rin ni deputy executive director coach Arlene Rodriguez ang pagdalo ni politician/ sportsman Senator Jinggoy Estrada sa NUCAA Opening na raratsada sa Marso 2,2024 sa Ynarez Sports Center sa Shaw Blvd., Pasig City.

Pangungunahan ni league treasurer Gene Bang Tumapat ang pagpadagsa ng kanilang estudyante sa pambungad seremonya at optimistiko siyang susunod ang iba pang member- schools upang mapuno ang buong arena.

Ikinalugod ni general secretary Atty. Joanne Marie Fabella ang kumpirmadong pagdalo ng mga Pangulo ng bawat institusyong kalahok.

Sina EVP Red Dumuk, auditor Ric Andres ang may toka sa communications katuwang ang reporter na ito sa pagpapalaganap ng balita habang ang si JM Bernarte ang may timon sa aspetong tenikal. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">