Advertisers

Advertisers

‘PAKPAK’ NG DALAWANG EROPLANO, NAGKASAGIAN SA NAIA

0 8

Advertisers

PANSAMANTALANG naantala ang paglipad ng dalawang eroplano na patungong Hongkong at Taiwan makaraang magkasagian ang kanilang ‘pakpak’ habang nasa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 noong Martes, February 27,2004.

Halos isang oras hindi nakaalis ang Philippine Airlines flight PR-318 patungong Hongkong nang aksidenteng masagi nito ang pakpak ng eroplano ng China Airlines flight CI-701 na nakatakdang na sanang lumipad patungong Taiwan dakong 10:45 ng umaga.

Napilitan ang PAL na palitan ang kanilang eroplano na dapat ang eroplano galing Davao ang gagamitin nito subalit ipinalit na lamang ang eroplano na galing sa Melbourne, Australia PR flight 210



Ang lahat ng pasahero ay maayos na nakalipad dakong 1:29 na ng hapon sa halip na ang original flight nito ay 12:30 ng hapon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa umano nakakalipad ang China airlines dahil sa damage na natamo sa kanan ‘pakpak’ ng eroplano. (JOJO SADIWA)