Advertisers
KAMAKAILAN nagbitaw ng pangako ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) na pangangalagaan nito ang kapayapaan at kaunlaran sa malalayong komunidad ng Cordillera, lalo na ang mga barangay na naiipit sa hidwaan ng mga armadong grupo.
Ang RTF-ELCAC Cordillera ay mapalad dahil co-chairperson nito si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na siya rin co-chair ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) ng rehiyon sa pamumuno ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
Nasa kanyang balikat ang pangakong binitawan ng task force at ng CORDS na kinabibilangan ng labing-dalawang cluster na mga ahensiya ng pamahalaan para siguraduhin na di na uli maiipit ang probinsiya o ang buong region sa mga bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at mga tropa ng pamahalaan.
Pinamamahalaan din ni Mayor Magalong ang pagpapatupad ng Support to Barangay Development Program (SBDP), ang Retooled Community Support Program (RCSP), at Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPD). Mabibigat na programa ang mga yan, para lamang mapanatili ang kapayapaan at magtuloy-tuloy ang kaunlaran.
Tinataya ni Magalong ang pagkaka-isa ng lahat ng miyembro ng RTF-ELCAC at ng CORDS para sa kapayapaan matapos matapyas ng ating mga kawal ang lakas ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Katunayan mayroong plano itong si Magalong na magtayo ng pasilidad na kung tawagin ay ‘Bringers of Peace’ o’ taga-paghatid ng kapayapaan.
Ito ay halos pulos na, o’ kasado na, dahil P50-million na ang inilaan dito nila Mayor at ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), sa pamumuno ni Secretary Carlito Galvez Jr.
Dito magmumula at makukuha ng mga taga-Cordillera at ng mga taga-Baguio ang mga programa sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) na para sa mga dating rebelde at ang tatlong programa ko pang nabanggit.
Sa sinimulang ito nila Mayor Magalong para mapalapit ang mga programa ng pamahalaan sa taong-bayan, maaari nang simulan ang binabalak din na landas na bagong tatahakin ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) nang sa gayon, ay tatawagin na itong
National Task Force for Unity, Peace and Development o’ NTF-UPD.