Advertisers

Advertisers

RESIDENTE NG BACOOR, CAVITE NAGPAPASAKLOLO SA PANGGIGIPIT NG PAMILYA VILLAR?

0 321

Advertisers

Libo-libong residente ng Barangay Molino 4, Bacoor City, lalawigan ng Cavite ang nakakaranas ng matinding panggigipit at pang-ha-harass mula umano kina Senator Cynthia at Manuel Villar nang tanggalan ng supply ng kuryente, ipasara ang mga daanan at walang humpay na demolition sa kanilang lugar.

Mariing sumisigaw ng katarungan ang lahat ng mga residente ng Sitio Malipay 1, 2 at 3 sa umano’y hindi makataong pagtrato sa kanila ng mga Villar, na sinasabing sila na ang nagmamay-ari ng ektaryang lupain na kanilang tinitirhan.

Kung saan na ang nasabing lupain gagawing kalsada para sa mga negosyo umano ng mga Villar tulad ng shopping mall at subdivision nito.

Ayon sa mga residente at samahan ng mga naninirahan sa nasabing lugar partikular ang ‘Malipay Kooperatiba, Malipay Urban Poor, at KMP na mga lihitimong naninirahan sa naturang lugar na nagsasabing sobra na ang ginagawang panggigipit at pang-ha-haras sa kanila ng mga tauhan ng pamilya Villar.

Halos 5 dekada nang naninirahan ang mga residente at mapayapa at tahimik ang naturang lugar bago pa ‘di umanoy kamkamin ang nasabing lupa ng pamilya Villar.

Nananawagan ang mga residente ng Malipay sa tanggapan ng Kongreso, Senado, Commision of Human Rights at Supreme Court na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pangigipit ng pamilya Villar, partikular na ang hindi makataong pagtrato, tulad ng pagsasara ng kalsada, pagtanggal ng kuryente at linya ng tubig na siyang unang pangangailangan ng mga naninirahan sa nasabing lugar.

Umaaasa din ang mga samahan sa nasabing lugar sa ilang ahensiyang nabanggit na pakikingan ang kanilang hinaing na kung saan patuloy na nagbubulagbulagan ang lokal na pamahalaan ng Bacoor, Cavite Provincial Office, at ang Malakanyang.

“Sobra na ang ginagawa ng pamilya Villar sa amin na halos unti-unti na kaming pinapatay sa lugar namin,” ito ang galit na galit na pahayag ng mga residente ng Malipay.

Kasabay nito ang panawagan sa CHR, Senado, Kongreso at SC na imbestigan din ang mga maanomalyang mga proyekto ng DPWH na ginagamit ng pamilya Villar na kung saan mga kalsadang pinapagawa nito puro mga lupain nila ang nabibigyan ng pakinabang, subali’t pera ng taong bayan ang gumagastos sa mga naturang proyekto. (GAYNOR BONILLA)