Advertisers

Advertisers

Erich sinalo ang serye na para kay Ivana

0 225

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MATAPOS  ang  dalawang taon pamamahinga  ay  muling  nagbabalik si Erich Gonzales para gumawa  ng  serye. Huling  napanood  siya sa The Blood Sisters.

Matatandaang  tinanggihan  ni  Erich ang Love Thy Woman nina Kim Chui at Xian Lim.



Ito sana ang magsisilbing launching  serye ni Ivana Alawi  na ang dating  title  ay  ang Lihim ni Ligaya. Pero napunta  na  nga kay Erich.

Ang  pahayag  ng  production ay  hindi raw puwede si Ivana at nag-revised  sila ng script, nagdagdag ng casting at ginawang La Vida Lena.

Tatlong  actor ang mali-link  kay  Erich, sina Kit Thompson,  JC de Vera  at  Carlo Aquino.

Ayon kay Erich, nagbabalik  siya  dahil  namimiss  na niya ang pag-arte  at  gusto  rin  niyang  magkapagbigay  ng  trabaho sa production  people at crew na nawalan ng raket dahil  sa  pandemic.

“It`s  a  good  project,  a  good  story, good cast. Plus  the two directors  pa,” aniya.



Nang  mabasa  na  raw niya  ang script ay nabighani na siya sa character  na gagampanan bilang si Magdalena.

“I  remember  noong  first  taping day pa lang ay may mga lumalapit  na, nagpapasalamat  na ginawa natin  itong  La Vida Lena.  Iyon    naman talaga ang rason,” patuloy pa ni Erich.

Naging  mailap  lang si Erich pagdating sa kanyang lovelife. Tinanong  siya  kung  pa-level up na ba ang relasyon nila ni Mateo Lorenzo.

“Basta  po  kapag  ready  na  tayo sa  mga  ganyang  bagay  isi-share  natin  yan. Basta  pagdating  ng tamang panahon,  kapag  nandiyan  na  tayo  siguro kuwentuhan pa tayo  uli,” pahayag ni Erich.