Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
DAHIL sa lakas ng tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na tinawag na KimPau, na nagsimula sa unang serye na pinagsamahan nila na Linlang, heto’t binigyan muli sila ng another serye ng Dreamscape in collaboration with Viu. Ito ang Pinoy adaptation na What’s Wrong with Secretary Kim.
Sa serye, gumaganap si Paulo bilang boss ni Kim na kanyang secretary.
Sa tanong sa KimPau sa mediacon ng WRWSK, kung bakit sa tingin nila ay nag-click ang kanilang tambalan at sobrang minahal ng televiewers, ang sagot ni Kim,’”Actually hindi ko rin alam. Siguro sa tagal namin dito sa industriya, ngayon lang kami nagkasama ni Paulo sa work, ayun nga after Linlang and then eto, nasundan kami ng another project, so mas kilala na namin ‘yung isa’t isa.
“And nakaka-amaze naman din na marami ‘yung sumusuporta sa aming dalawa which is nagugulat talaga kami. And we’re very thankful of course sa suporta online, and nakakagulat na sa edad namin na ‘to, meron pang nagsi-shift,” natatawa pang sabi ni Kim.
“Parang weird ‘yung feeling pero salamat po. And ayun, sobra kaming natutuwa. Very thankful.”
Ayon naman kay Paulo, noon pa raw ay talagang gusto niya nang makatrabaho si Kim. At natutuwa siya na nabigyan siya ng opportunity na makatrabaho ang ex ni Xian Lim sa Linlang, at ngayon ay sa What’s Wrong with Secretary Kim.
At natutuwa lalo siya, na tinanggap ng mga fan ang kanilang loveteam.
Sa tanong naman kung ano ang ina-admire nina Kim at Paulo sa isa’t isa, ang sagot ni Kim na natatawa, “Si Paulo,siyempre,ano siya, sobra siyang pogi, cute pa.’
Dagdag ni Kim,”Si Paulo, alam niya ‘yung ginagawa niya. Very consistent siya sa trabaho niya.
“And then parang…we share the same passion when it comes to work. Saka parehas kami ng gusto.
“Nakakatuwa na makatrabaho ang isang Paulo Avelino.
“And mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong rom-com na genre. So mas napahanga ako, dahil kaya niyang gawin ‘yung lahat talaga in his best.
“At magugulat talaga kayo rito sa What’s Wrong with Secretary Kim kung ano ‘yung mga binigay niya. Mas hahanga kayo sa kanya,” papuri pa ni Kim kay Paulo.
Ang sabi naman ni Paulo tungkol kay Kim, “l’d like working with people who works fast and knows what they’re doing. And si Kim ganoon.
“Kumbaga, mabilis siyang kumilos, alam niya na ‘yung gagawin, alam niya ‘yung script. Walang nagiging problema.”
Ang What’s Wrong with Secretary Kim ay mapapanood na simula sa March 18 sa Viu.