Advertisers
Gumagapang habang naliligo sa sariling dugo ang 25-anyos na dalaga nang matagpuan ng kapatid sa labas ng kanilang bahay nang gahasain sa gitna ng kagubatan sa isang barangay sa bayan ng Ivisan, Capiz.
Ayon kay PMaj. Ruby Magallanes, hepe ng Ivisan Municipal Police Station, na lumalabas sa imbestigasyon habang lumalakad pauwi ang dalaga galing sa trabaho, di umano’y nakabantay na ang salarin sa madilim na sulok at nang mapansin ito ng biktima biglang hinampas ng salarin ang ulo ng dalaga gamit ang dalang bato.
Dahil dito, natumba ang biktima at nawalan ng lakas upang ipagtanggol ang sarili, hanggang nasagawa ng salarin ang panggagahasa.
Maliban dito, ninakaw pa ng salarin ang cellphone at pera ng biktima.
Nakatakas lamang ang dalaga matapos akalain ng salarin na patay na ito dahil sa malakas na pagkakahampas ng bato sa ulo.
Nahuli ang salarin nang tangkaing ibenta nito ang cellphone na ninakaw subali’t sa pagbukas ng cellphone mabilis na na-detect ng kapulisan ang exact na location nito.